Revelation: In a two flock of birds, there should be one who falls and one who continues to fly. Karmy's Point of View Nasa loob nang throne room ang mga miyembro ng Guardians para sa gaganapin na pagtitipon upang pag-usapan ang nalalapit na paglusob ng Virgo Ops Organization. Ang mag-asawang Loong na nangunguna sa pagtitipon na nasa dulo ng parisukat na hologram table. Nasa magkabilang bahagi naman ang ibang miyembro na matamang nag-oobserba sa plano na nasa harapan nila. Sa kabilang dulo naman ako nakatayo bilang head ng defense infantry. At dahil ako ang strategist ng Guardians ay may plano rin dapat akong iprisinta. Kompleto na sana kaso wala si Nightwind. "Their attack will be a matter of time. I say, we attack first before they do." Saad ni Queen Luciana Shiranui Loong na nasasala

