Revelation: Unhealed wounds shivered our souls, we were meant to fly together but we ruined our sky. Karmy's Point of View Dalawang araw na simula nang dalhin nila ako sa chambers pero wala silang impormasyong napuga mula sa akin. Ipinatigil ni Seeichi ang pagtatanong sa akin nang mapagtanto nilang wala talaga akong plano na sumagot sa tanong nila kahit anong pasakit pa ang gawin nila sa akin. Hindi rin nila ako maaaring patayin agad kaya binigyan nila ako ng dalawang araw upang maipagpahinga ang katawan kong puno ng sugat at may mga bakas ng mga tuyong dugo. Dalawang araw na rin akong hindi pinapakain nila, maski tubig wala. Ramdam ko na ang panghihina pero nagagamit ko pa naman ang sixth sense 'yon nga lang ay hindi pangmatagalan dahil na rin sa kondisyon ko ngayon. Tanging undies lan

