Revelation: Step further, look closer. Karmy's Point of View Kung kanino ay nasa tabi lang ako ng babae ay ngayon ay ako na yata ang pinakamalayo sa kaniya. Tuloak dito at tulak doon aba ang nangyari tuloy ay parang manikang natapon ako sa malayo nang dinumog ng mga nakikiusyuso na mga estudyante ang babae at ang bote. Nakaupo ako ngayon sa isang putol na kahoy na ginamit kagabi para sa campfire habang nakatingin lang ako sa kaganapan. "Mhae," tawag ng taong tumabi sa akin. "Isang salita pa mula sa'yo Wolf. Makakatikim ka na talaga sa akin." Nagtatagis ang mga bagang ko dahil sa ginawa ni Wolf. Hindi niya ba alam na pwedeng nasa tabi-tabi lang ang hinahanap kong 'big boss' ng Virgo Ops Organization? Tumahimik na ang katabi ko pero bago 'yon ay may binulong siya sa kaniyang sarili na a

