Revelation: Flame of passion ignite, shattered heart baffled because of fright. Karmy's Point of View Katatapos ko lang magligpit ng mga pinagkainan at paghugas ng mga ito. Sa ngayon ay wala na akong trabaho dahil hindi uuwi ngayong araw si bossing dahil ipinatawag ng dean ang faculty dahil na rin sa sunod-sunod na mga krimen na kinasangkutan ng paaralan. May ilang nagbansag sa paaralan na pinapasukan ko na 'Death School' o 'di kay'y 'Cursed School' produkto na rin ng mga imahenasyon ng media. Sa ngayon ay nasa labas ako ng bahay at nagbabasa ng newspaper para sa araw na ito. Palipat-lipat lang ako ng pahina nang mahagip ng mata ko artikulo na "Bullets Are Back!". "Mmm, kung gano'n ay bumalik na sa banda niya si Gerard." Binasa ko ang artikula, diumano'y may balak na mag country tour

