My debut is in four months. Hindi ko nga alam kung bakit bigla iyon na-open samantalang matagal pa naman. Besides, I don’t think that I will be having a grand celebration pero parang hindi ata papayag si Mama.
“Ma, parang ang hassle pa kung may party pa na engrande. Mas okay na sa akin kahit kumain na lang tayo sa labas o kaunting handaan dito sa bahay na invited ang close family natin pati na rin sila Alana.” Kaagad na nagsalubong ang kilay niya. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.
“Eva, isang beses lang ang debut sa buhay mo. We should have a grand celebration about it. Unica ija ka namin at hindi ako makakapayag na hindi mo ma-experience ang magarbong debut. Kaya nga kami nagsusumikap ng Papa mo para mabigyan ka ng magandang debut.” Hindi ko napigilang mapatawa. Talagang naisingit pa iyon ni Mama.
Hindi ko naman totally ayaw na mag-celebrate ng magarbo. Parang feeling ko lang hassle at nakakapagod iyon para sa mga organizers pero kung gugustuhin at ipipilit talaga ni Mama ay ayos lang naman. All I have to do on that day is to enjoy.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging payapa iyon dahil wala na ulit paramdam si Kuya Adam. Gumaling na rin naman ang mga pasa ko ng hindi nalalaman nila Mama. Palagi kasi akong lumalabas ng naka-long sleeve. Kapag papasok naman sa university ay nagdadala ako ng jacket at nagpapalusot na medyo malakas ang aircon sa room. Hindi rin naman sila nagtaka at nagtanong pa.
Ilang araw na nag-alboroto sila Tammy sa tuwing napapatingin sila sa pasa ko. Even Lucas noticed it. Kitang-kita ko nga ang pag-aalala sa kanya ng mga oras na iyon. Nakakatuwa nga dahil ang dami niya pang biniling kung ano-ano para mapabilis ang pagkawala niyon at para bumaba ang sakit.
He deserves an award for being so caring to me. Dinaig niya na si Kuya sa pag-aalaga sa akin.
Huminga ako nang malalim. Kaya siguro hindi ko pa nagagawang magustuhan si Lucas dahil pakiramdam ko, nakikita ko sa kanya si Kuya noong maayos pa kami. He acted very the same with Kuya Adam when we were still kids.
Naiisip ko, baka kay Lucas ko nahanap ang affection na hinahanap ko kay Kuya simula nang layuan niya ako. Kaya siguro ganoon na lang ako kakumportable kay Lucas because I see him as a brother but not as suitor or a lover.
“Malapit na birthday mo, Eva ha! Dalawang buwan na lang. Anong plano?” tanong ni Shienel.
Sa aming magkakaibigan, ako ang pangatlo na mag-de-debut. Si Alana ang pinakamatanda sa amin, sumunod si Tammy, sunod ako at ang bunso namin ay si Shienel. Sa totoo lang, buwan lang naman ang pagitan naming lahat kaya parang wala lang rin sa amin iyon.
Unang debut na napuntahan namin ay ang kay Alana. I remembered her looking so radiant and beautiful in her gown. Napakaraming bisita rin sa kanila noon dahil high profile din ang pamilya nila sa Abra.
Sunod naman kay Alana ay si Tammy. Although she didn’t have the grand 18th birthday, niyaya pa rin niya kaming umalis at kumain sa labas. Libre niya raw. Okay lang naman iyon. Masaya na kami doon lalo pa’t hindi naman talaga basta-bastang nanlilibre si Tammy.
Kumpara kasi sa aming tatlo nila Alana at Shienel na galing sa may kayang pamilya, si Tammy kasi ay may normal lang na buhay. May mga pagkakataon na hirap, may pagkakataon na may pera. Swerte na lang din at pinag-aaral siya ng boss ng Mama niya kaya kahit papaano ay gumaan ang iisipin niya.
“Matagal pa naman ang dalawang buwan, Shienel. Para ka ring si Mama. Excited ka?” pabiro kong sabi dito. Mahina niya akong kinurot sa kamay.
“Mabilis na lang kaya iyon. I bet, your mother is already planning your grand celebration,” sabi ni Alana. Sa tabi niya ay si Tammy na as usual, natutulog.
Hinayaan na lang din namin siya dahil vacant time ngayon. Wala kasi ang ibang professors namin dahil may meeting daw. Hindi naman namin magawang umalis at makapaglakwatsa dahil may attendance na umiikot.
Mahigpit pa naman ang mga professors. Hindi makakaligtas ang mga madadayang classmate na parang magic na nakapirma doon pero hindi naman talaga naghintay dito sa room.
“Pasamahin mo si Lucas! Siya kamo ang last dance mo,” nakangiting sabi ni Shienel. Napailing ako sa kanya.
Ako na lang ata ang mapapagod na magpaliwanag sa kanya na wala pa naman talagang namamagitan sa amin ni Lucas. Although kahit papaano ay mas nagiging malapit kaming dalawa, there was still this thin line that we both know that we can’t touch yet.
Alam niya ang totoo kong nararamdaman at talagang nirerespeto niya iyon. Ni hindi ko nga maalala kung kailan ulit napasok sa usapan namin ang tungkol sa panliligaw o sa relasyon.
Madalas kasi ay sinasamahan niya akong maghintay sa sundo ko at sa tuwing nakaupo kami sa parking, palagi siyang nag-ku-kwento ng mga kung ano-anong bagay. Mga nakakatawang experiences niya, or mga funny moments nila ng team nila habang naglalaro ng basketball at maging ang kalokohan nila, sinasabi niya sa akin.
I felt like even I haven’t really met his team mates ay kilala ko na silang lahat. Napakadaldal ni Lucas at perfect iyon bilang pantanggal ng stress at pang-divert ng isip kapag maraming gumugulo sa akin.
“Depende kung available siya but I don’t really know about the dance or rose and etcera. Si Mama kasi ang nag-aayos ngayon. Tinanong niya lang ako kung ano ang gusto kong motif at pagkain na ipapa-cater. Even the gowns, ako raw ang mamimili kapag dumating na ang portfolio galing sa Seviah then the rest, it’s all on Mama.” Natawa si Alana.
“Nag-iisang babae ka kasing anak, kaya ganyan si Tita sa’yo. Hayaan mo na lang. Kahit naman nakakapagod ang ginagawa niyang pag-o-organize ay alam nating masaya siya sa ginagawa niya. She’s doing this because it’s making her happy and it will make you have a memorable birthday.” Ngumiti ako kay Alana.
“Okay, wala naman ding kaso sa akin. Anyway, kailan pala ang next nating group study? Malapit na ang mga quizzes natin for Finals. Pakiramdam ko wala pa akong natututunan...” nahihiya kong sabi dito.
“Pwede tayo sa amin this weekend. Baka kasi busy sa inyo ngayon dahil nga nag-aasikaso ang Mama mo para sa debut mo.” Nakita ko ang pagsama ng mukha ni Shienel. Parang may magic din nang bumangon si Tammy at kinusot ang kanyang mata.
“Parang sumasama ang pakiramdam ko, Eva. Ano ba iyang pinagsasabi mo...” wika ni Shienel.
“Nanaginip ako, sinabi raw ni Alana na sa bahay nila tayo mag-group study. Mabuti na lang panaginip.” Humalakhak ako sa sinabi ni Tammy. Nakakatawa iyon ha.
“Hindi panaginip iyon, Tammy. Sa bahay tayo this weekend and this, I will be strict. Doon tayo sa kwarto na walang higaan o kumportableng couch. I will get your phones so that we cal all concentrate in studying.” Sumimangot si Shienel at Tammy habang ako naman ay napakamot sa ulo.
“Mabuti na lang hindi ka nag-teacher. Nakakatakot ka maging teacher eh,” sabi ni Tammy.
“Kung hindi kasi ako magiging strict sa inyo, wala nanamang mangyayari sa group study natin. Mauulit lang ang nangyari kila Eva and I don’t want that to happen. Ang gusto ko, tulungan niyo akong iaangat ang sarili niyo. I am not doing this for myself. I am doing this for us kasi ayokong may maiwan. Gusto ko sabay-sabay tayong lahat na makakatapos,” seryosong sabi ni Alana.
Binigyan ko naman nang mapang-akusang tingin sila Tammy at Shienel.
“Kasi naman kayong dalawa, nagkukusa na nga si Alana para iangat tayo, ayaw niyo pa. Ang swerte nga natin na concern siya sa grades natin. Kailangan nating magseryoso kaya makinig tayo kay Alana,” segunda ko naman sa kanila.
“Oo na nga. Hindi na ako matutulog. Magdadala na rin ako ng gamit. Basta ba, Alana ha, may pagkain para hindi ako antukin habang nag-aaral. Saka huwag mo akong papakitaan ng unan, kutson o kahit kumot kasi tatamarin talaga ako.” Ngumiti si Alana saka tumango kay Tammy.
“Nahahawa lang naman kasi ako kay Tammy pero sige. Serious mode na ako this weekends. Pakitaan ko kayo ng tinatago kong talino sa kaibuturan ng utak ko.” Nagsitawananan kami dahil sa sinabi na iyon ni Shienel.
Uwian na at as usual, nagtungo ako sa parking upang hintayin ang sundo ko. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa madalas kong pwesto ay natatanaw ko na agad si Lucas na nakaupo doon at halatang nag-aabang sa akin.
He was smiling widely as he waved his hands energetically.
“Hi Eva, how was your day?” bungad nito sa akin. Hindi ko napigilang mapangiti. Just a simple question but I find it really cute. Pakiramdam ko nanlalambot ako dahil sa pagtatanong kung naging kamusta ang araw ko.
Having someone that you could always count to tell on how good or bad your day was is a blessing.
“Maayos naman, as usual, wala akong naintindihan sa kahit na anong subjects ngayong araw.” He laughed at me. Nakakatuwa pa na hindi niya ako hinuhusgahan dahil hindi ako matalino.
Pareho kasi sila ni Alana na may magagandang grades pero mas nakakamangha sa kanya dahil nagagawa niyang i-maintain ang magandang grades habang athlete siya ng school. Mukhang napakatalino nga talaga nito. Dagdagan pang mabait ito at gwapo. Wala talagang duda na pagkakaguluhan siya ng mga babae.
“Kailangan mo lang ng oras na mag-aral. Kapag naman naging masipag ka, sisiw na lang sa iyo ang mga iyan.” Napakamot ako sa ulo at napanguso. Ang problema kasi, hindi naman ako masipag.
“Minsan naman gusto kong maging masipag kaso alam mo iyon, napakahirap lalo pa at nakikita ko laging tulog si Tammy habang si Shienel ay abala lagi sa cellphone. Mas malakas kasi talaga ang pwersa sa akin ni Shienel at Tammy kaysa sa kasipagan ni Alana.” Ngumiti ito sa akin.
“Edi dapat pala, sumasama ako sa inyo mag-aral para pantay lang ang makikita kong masipag at meyo tamad?” Natawa ako sa sinabi niya. Kahit hindi pangalanan, we already both know who’s who.
“Pwede naman eh. Para matulungan mo si Alana sa panghihikayat sa amin. Pakiramdam ko kailangan namin talaga ng moral support.” We both laugh at that. Nang matapos kaming matawa ay naaalala ko ang sinabi ni Shienel kanina.
“Lucas, may mahalagang lakad ka ba sa April 16?” kuryoso kong tanong dito. Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata.
“Bakit, Eva? Yayayain mo ba akong makipag-date sa iyo? Nako nga, Eva. Hindi pwede. Hindi ako papayag.” I laughed heartily. Nakakaliw talaga kapag gumaganyan siya sa akin. Hindi ko malaman kung maiinis ba ako dahil medyo mayabang ang dating niyon o matatawa na lang dahil inaasar niya lang ako.
“Hindi, debut ko kasi. I want you to be there. Kayo ng mga kaibigan ko. Besides, I’m sure my parents will look for you.” Natawa nanaman ako nang makita kong natahimik ito at namula. Parang kinikilig pa ito sa kaalaman na gusto siya ng mga magulang ko. Tuwang-tuwa talaga siya dahil malaking bagay raw iyon sa lalaki na tanggap siya ng magulang ng babae,
“Debut pala... oo naman. I can always make time for that. Salamat din sa pagsabi sa akin ng mas maaga. Kailangan ko na palang ilabas ang mga pinagkakatago-tago kong barong sa baul ni Lola.” Pakiramdam ko ay kakabagin na ko sa kakatawa at kakangiti kay Lucas.
“No worries. Hintayin mo na lang ang invitatin. I will give it to you once everithing is already set.” Tumango si Lucas.
Maya-maya ay nakita na namin ang pamilyar na sasakyan at huminto iyon sa harap namin. Nagpaalam na ako kay Lucas saka sumakay sa sasakyan.
Pagkarating sa bahay ay nagtaka ako nang makita ang isang sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay. Ngayon ko lang nakita iyon dito sa amin. May bisita ba kami?
Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko ang isang babae na may bitbit na parang libro. Kaagad akong binati nito. Lumapit ako kay Mama para humalik sa pisngi nito at ngumiti sa babae.
“Anak, she’s Sue Denise Trinidad. Siya ang anak ng may-ari ng Seviah and she’s here to personally show you their portfolio.”