Kabanata 43

2162 Words

“Hoy, sinong ka-text mo? Siguro si Lucas ‘yan ‘no?” mapanghusgang sabi ni Shienel. Kaagad kong pinatay ang phone ko nang maramdaman ang pagdungaw ni Tammy. Sinamaan niya ako ng tingin dahil hindi niya na ata naabutan ang messages. “Bakit mo pinatay phone mo?” nakasimangot na wika ni Tammy. Tumawa si Alana sa kanila. “Privacy naman, guys. Kaya niyo bang ipakita sa amin ang phone niyo? Ang messages?” hamon ni Alana. Kaagad na napalayo si Tammy at napaupo nang tuwid. Si Shienel naman ay biglang napaubo at mahigpit na hinawakan ang kanyang bag. Hindi ko napigilang mapatawa. Akala mo naman ay aagawin ang gamit niya. See, defensive ang mga ito. May kanya-kanya rin kasing pinagkakaabalahan ang mga ito. Sa ngayon ay hindi ko pa alam. Sila rin naman ay walang alam sa nangyayari sa amin ni Adam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD