Kabanata 8

2046 Words
Lumipas ang ilang taon. I was already in my 5th grade in elementary. Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses kong naririnig ang papuri hindi lang kila Mama kundi pati na rin sa mga kasambahay at bisita namin ang unti-unting pagbabago sa akin. “Dalaginding na si Eva! Nako, mukhang may babantayan talaga kayo ni Adam kapag naging ganap nang dalaga si Eva,” maligayang sabi ni Mama. Kahit ako ay aware sa mga nagiging pagbabago sa akin. Madalas kong sinasabi ang mga iyon kay Kuya Adam pero ramdam kong palagi niyang iniiba ang usapan kapag iyon ang kwento ko. “Eva, just tell it to Mom, okay? Kasi hindi naman lahat pwede mong sabihin sa akin,” matipid nitong sagot. Kahit nagtataka ako kung bakit ayaw niyang nagkukwento ako noon ng tungkol sa mga ganoong bagay ay sinunod ko na lang ang sinabi niya. Doon ko naramdaman ang unti-unti niyang pagiging iwas sa akin. Madalas ay may binibigay na siyang distansya sa pagitan namin and one thing I noticed that time is the fact that he is not letting me in his room anymore. Noong minsang hindi ako makatulog ay nagtungo ako sa kwarto niya para makitulog. Nakasanayan ko na talaga iyon sa mga nagdaang taon kaya wala akong ibang iniisip kundi papasukin niya ako at hahayaan na makatabi siya sa pagtulog. He opened the door and looked down at me. Kahit tumatangkad na ako ay mukha pa rin akong maliit sa kanya. Of course, kung lumalaki ako, malamang ay lumalaki din ito. Kung unti-unti ay nagdadalaga ako, kung marami na ang pagbabago sa sarili ko, ganoon din sa kanya. His voice was now deeper than before. Marami na rin akong napapansing pagbabago lalo na sa katawan niya pero wala namang kaso sa akin iyon dahil nagbibinata na raw si Kuya. I was also aware of it since napag-aaralan na rin iyon sa school. “Kuya, tabi tayo matulog.” Lumabas siya ng kwarto at isinara ang pinto. Hindi nakaligtas sa akin ang mabilis na pagsuyod ng kanyang tingin sa akin saka umiling. “No, Eva. May gagawin pa akong assignment at projects. Try sleeping in your room. Kung hindi ka talaga dinadalaw ng antok, kila Mama ka tumabi.” Bahagya akong nalungkot doon. “Kuya, hindi naman ako mag-iingay. I will not disturb you, promise!” Itinaas ko pa ang kamay ko para mapapayag siya ngunit matigas itong umiling. That time, he was already starting to reject me little by little. Dahil sa bago pa lang naman iyon ay pinalagpas ko iyon at hindi inisipan ng masama. Nagawa kong ipagsawalang-bahala ang mga kaunting pag-iwas sa akin ni Kuya ngunit nang tuluyan na akong naging ganap na dalaga ay doon na ako tuluyang nakahalata at nagsimulang magtampo sa kanya. Pagkauwi ko galing sa school ay naramdaman ko ang matinding kirot sa tiyan ko. Parang may tumutusok doon at gusto ko na lang na mamaluktot para mawala ang sakit. I also felt that something is coming out from me kaya naman aakyat na sana ako sa kwarto noon para makapagbanyo nang makasalubong ko si Kuya Adam. He looked worried when he saw me. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong iniipit ang tiyan ko. “What happened to you, Eva? Namumutla ka ha. Masakit ang tiyan mo?” Tumango ako nang mahina sa kanya. Wala akong lakas para magsalita noon kaya naman tinalikuran ko na ito at maglalakad na sana ako papasok sa kwarto nang marinig ko ang malutong nitong pagmumura. Inalalayan niya ako papasok ng kwarto ko. Dumiretso ako kaagad sa banyo at narinig ko pa ang sigaw ni Kuya Adam habang tinatawag ang kasambahay na madalas na nag-aasikaso sa akin. Pagkahubad ko ng panty noon ay ganoon na lang ang takot at gulat ko nang makita ang maraming dugo doon. Tumagos pa iyon sa shorts ko at sa palda ng uniform na suot ko. Dahil sa hindi ko malaman ang gagawin ay napasigaw ako. “Kuya Adam! May dugo!” Halos mapaiyak ako. Hindi ako makagalaw sa pagkakaupo sa inodoro. Dagdag pa ang matinding sakit na bumalatay sa tiyan ko. Tuluyan na talaga akong napaiyak. Nagulat ako nang bumukas ang banyo at pumasok doon ang kasambahay. May dala itong maliit na pack, isang panty at damit ko. Pinakalma ako ng kasambahay namin. Marahan niyang ipinaliwanag ang nangyayari at doon ko naaalala ang mga itinuturo sa amin sa school. Ito na pala ang tinatawag na menstruation. Tinuruan ako ng kasambahay sa tamang paglalagay ng napkin. Ito na rin ang naglinis ng panty, shorts at palda kong natagusan ng dugo. Nang matapos akong maglinis ng sarili ko ay pinalabas na muna niya ako. Sinabihan niya akong magpahinga at mahiga muna sa kama. Pagkalabas ay hindi ko na nakita si Kuya Adam doon. I was too focused on the pain I was feeling kaya hindi ko na rin hinanap si Kuya. Nahiga ako at mabilis na nakatulog. Pagkagising ko ay sakto namang pasok ni Mama sa kwarto ko. Nag-aalala itong naupo sa tabi ko. Babangon na sana ako nang pigilan niya ako. “No, Eva. Mahiga ka lang muna diyan. Nagpakuha na ako sa kasambahay ng hot compress. Oh my, I really can’t believe it! May dalaga na ako!” She started telling me the do’s and dont’s. Maligaya niya ring ibinalita iyon habang kumakain kami ng almusal. “Raymond, may dalaga ka na talaga! Eva just had her first menstruation! I can’t believe this. Time flies so fast. Parang noon lang, baby ka pa lang na laging nagpapakarga, ngayon, dalaga ka na,” emotional na sabi ni Mama. Nahihiya akong napatingin kay Papa at napansin ko ang matipid na ngiti nito sa akin. Sunod kong binalingan si Kuya na tuloy-tuloy lang sa pagkain. Kanina pa ito tahimik. Hindi ko nga maintindihan ng mga oras na iyon kung bakit parang hindi niya ako pinapansin. “You should be careful with the things you’re wearing. Huwag ka na ring masyadong lumalapit sa boys sa school o kahit saan. Also, don’t forget to enjoy this stage in your life. Huwag kang matakot dahil sa mga pagbabago sa sarili mo, Eva. Medyo napaaga man ito sa iyo ay mas mabuti na rin para maaga kang mamulat sa paligid mo,” mahabang paliwanag ni Mama. I didn’t know if I was able to understand everything she’s telling me. Nagtataka ako sa mga bilin niya at kahit gusto kong magtanong ay hindi ko magawa dahil masyado akong na-focused kay Kuya na hindi manlang kumikibo sa tabi ko. Weekends ngayon at wala kaming pasok pareho ni Kuya kaya naman napagdesisyunan kong magpunta sa kwarto niya katulad ng dating gawi. I tried knocking on his door pero walang sumasagot. Nagpasya akong bumaba dahil baka naroon siya at tama nga ako. Abala ito sa panunuod ng TV. Masigla akong naupo sa tabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit at sinimulang lambingin. Ganoon na lang ang pagtataka ko nang pasimple siyang umuusog palayo sa akin. Ako naman ay sinusundan siya hanggang sa makarating na kami sa dulo ng sofa. Narinig ko ang marahas niyang paghinga. “Eva, umusog ka nga doon. Bakit ka ba sumisiksik sa akin?” Napatitig ako sa mukha niya nang mahimigan ang pagkairita sa boses niya. “Niyayakap lang naman kita, Kuya.” Malungkot akong tumingin sa kanya. Napansin kong nag-iwas ito ng tingin at ibinalik muli ang mata sa pinapanuod na palabas. Dahil nawala na ang sigla at saya sa akin ay nanatili akong nakaupo sa sofa. Tahimik lang ako at may kaunting distansya sa pagitan namin ni Kuya Adam. Sinikap kong manuod na lang din ng TV kahit naguguluhan na ako sa kilos ni Kuya. Napabaling ako kay Kuya Adam nang pinatay niya ang TV. Ilang beses itong huminga nang malalim bago lumingon sa akin. Umusog ito palapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Hindi rin nagtagal iyon at lumayo din siya nang kaunti. Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. Naging malambot na ang ekspresyon ng mukha nito, malayo sa itsura niya sa tuwing nasa paligid ako kanina at noong mga nakaraang araw. Nagsimulang mag-init ang mata ko. “Eva, sorry kung napagsasabihan kita nitong mga nakaraang araw ha? Marami lang kasing iniisip si Kuya.” Nag-unahang pumatak ang mga luha sa aking pisngi. Agad din namang pinunasan ni Kuya ang mga iyon. “Akala ko, galit ka sa akin, Kuya Adam. Hindi mo kasi ako pinapansin tapos ayaw mo pa akong lumalapit sa iyo. Akala ko ayaw mo na akong kasama...” umiiyak kong sabi. “Ssh... hindi naman sa ganoon pero kasi, Eva, dapat maintindihan mo na ngayong lumalaki ka na at ganap ka ng dalaga ay may mga bagay na dapat magbago sa ating dalawa. Hindi na pwede ang katulad ng dati na tabi tayong matutulog, didikit ka ng didikit sa akin at iba pa. Magkapatid tayo pero, basta, maiintindihan mo rin ang ibig kong sabihin.” Batid kong nahihirapan siyang ipaliwanag ang gusto niyang ipahiwatig kaya hindi ko rin iyon gaanong naintindihan. Doon nagsimula ang iilang mga tanong na sumusulpot sa utak ko. Doon nagsimula ang mga iniisip ko, kung bakit nagkakaganoon ang nangyari, kung bakit humantong sa ganito. “Naintindihan mo ba ang mga bilin ni Mama? Mag-iingat ka na sa mga kinikilos mo simula ngayon. Palagi mong pag-isipan ang mga ginagawa mo. Ang mga susuotin mo, be mindful of the clothes that will make you feel comfortable and especially decent. Ayoko na makikita kang magsusuot ng mga damit na masyadong nakalabas ang balat, Eva. Sa oras na nakita ko na ganoon ang bihis mo ay talagang magagalit ako sa iyo,” mariing sabi ni Kuya. Nakaramdam ako nang kaunting takot doon. Nandilim din kasi ang itsura ng mukha niya at mukhang may magagawang hindi maganda kapag hindi nasunod ang gusto niyang iyon. “Mama also told me to don’t go near boys. Paano iyon, Kuya? May mga classmates akong lalaki. Ikaw, si Papa tapos may teacher din na lalaki. Hindi ko kayo lalapitan?” inosenteng tanong ko dito. Napansin ko ang paggalaw ng panga nito. “If it’s Papa... or me, well, it’s fine. Huwag na huwag kang magtitiwala sa mga lalaki na hindi naman natin kamag-anak. You can talk to them but maintain a safe distance between you and the guy. Also, makipag-usap ka lang sa mga iyon kapag importante lang. Don’t entertain boys who only wants to talk nonsense with you. Naiintindihan mo ba, Eva?” seryosong sabi ni Kuya. Wala akong nagawa kundi tumango sa kanya. Napailing ako nang sa ngayon ay naiintindihan ko na ang sinasabi niya. Nakakatawa kasi kahit hindi na kami maayos ngayon ay sinusunod ko pa rin ang bilin niya noon. From wearing a decent clothes to being mindful of my movement and of course, to never entertaining some random guys. Kaya nga hanggang ngayon, kahit na nasa kolehiyo na ako ay wala pa rin akong nagiging boyfriend. “Kapag may mga lalaking gustong makipagkaibigan sa iyo, o kung may mga lalaki kang kaibigan ngayon, ipapakilala mo silang lahat sa akin, okay? Para makita ko kung makakapagkatiwalaan ba sila para payagan kang sumama sa kanila.” Akala ko ay tapos na si Kuya sa mga bilin niya pero mukhang mas marami pa siyang sinasabi kaysa kay Mama. “Ito, Eva. I am warning you. Nasa elementary ka pa lang. Hindi ako tumatanggap ng manliligaw. Hindi ako papayag na may manliligaw sa iyo. Kapag may nagsabi sa iyo ng ganoon, huwag mo ng kakausapin kahit kailan. Bawal ang manliligaw. Bawal ang boyfriend. Do not, as in never, do some touchy-touchy sa ibang mga lalaki. Napakalambing mo pa naman, mamaya pati mga lalaking kasama mo ay ganyanin mo,” iritable pang sabi nito. Hindi ko pa maintindihan kung bakit galit na galit siya, eh hindi ko nga alam ang ligaw na ligaw na sinasabi niya noon. Ang boyfriend o girlfriend, familiar na sa akin dahil naririnig ko rin sa mga kaklase ko ang mga iyon. Kahit ramdam kong medyo iritable si Kuya ng mga oras na iyon ay hindi ko napigilang matuwa dahil kinakausap niya ako. Ilang araw rin kasi ang lumipas na hindi niya ako gaanong pinapansin. Mas okay na nga talaga ang ganoon kaysa ngayon. Ni kaunting tingin, ni kamusta ay wala akong natatanggap sa kanya. Unti-unti ko na ngang nakakasanayan na wala siya sa buhay ko. Kung noon ay sobrang naninibago pa ako, nasasaktan pa ako sa hindi niya pagpansin at pagkausap sa akin, ngayon ay parang wala na lang din sa akin. Ayoko na lang din isipin pa ang tungkol doon dahil mas mararamdaman ko ang lungkot. Ilang taon na rin ang nakalipas at hindi ko na namamalayan kung gaano na kalayo ang loob namin sa isa’t-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD