Mahigpit naming niyakap si Alana. Sobrang saya namin nang finally, lumabas na lahat ng final grades namin! Lahat kami pasado! Sabit na sabit kami nila Tammy sa laylayan pero ayos lang iyon. Ang mahalaga ay pumasa kaming lahat. “Alana, thank you talaga! Tagapag-tanggol ka namin!” masayang sabi ni Shienel. “Ang lakas mo, nabuhat mo kaming tatlo!” malalaking ngiting wika ni Tamara. “Dahil diyan, you deserved to be treated by us! Saan mo gusto, Alana? Sagot na namin,” maligayang saad ko. Tumawa si Alana. She looked at us proudly. “I’m so happy and proud of the three of you. Nakakatuwa na worth it ang naging pagod ko sa pagtuturo at pagka-stress ko sa inyo ngayong nakita kong nakapasa kayo. And I’m doing all of that because you’re all my friends. I will always be concern to all of you.” N

