Kabanata 89

2170 Words

Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Mama sa sinabi ko. Napaiwas ako ng tingin nang mapansin ang sakit sa mukha nito dahil sa gusto kong mangyari. Dahan-dahan siyang lumapit muli sa akin at marahang hinawakan ang mga kamay ko. “A-Anak, ano ba iyang pinagsasabi mo? Bakit ka magpapalit ng apelyido? Ayaw mo na ba sa pamilya natin? Anak, wala namang magbabago. Ikaw pa rin si Eva, ang bunso ko. Anak kita at kahit hindi ka talaga nanggaling sa akin ay hindi naman nabago ang pagmamahal ko sa’yo.” Napalunok ako dahil ramdam ko ang sakit sa boses ni Mama. Napayuko siya at tumingin sa kamay ko. Kasabay niyon ay naramdaman ko ang pagkabasa ng mga kamay ko dahil sa sunod-sunod na luhang dumadaloy mula sa kanya. Napapikit ako. Umiiyak si Mama dahil sa akin. Nasasaktan ako dahil doon pero ngayon ko lan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD