Natapos ang maghapon na iyon nang tahimik. Ipinagpasalamat kong hindi na sila nag-usisa pa dahil wala rin naman akong balak na sumagot. Ang iniisip ko, baka makarating kay Denise ang ginawa ni Hanz. Public place ito at maraming nakakita sa paghawak niya sa kamay ko, sikat siyang vocalist kaya impossibleng hindi iyon kumalat. Bakit kasi hindi siya nag-iisip sa mga kilos niya? Nakakaasar talaga. Nag-close na kami ng maaga. Kailangan ko pa kasi ng kapalitan nila, dahil hindi naman puwedeng hanggang alas diyes silang magtrabaho. “Miss Raia, mauna na po kami,” paalam nila sa akin. Tumango ako at ngumiti. “Okay, mag-ingat kayo. Salamat,” sagot ko. Kumaway pa sila bago sumakay ng sasakyan. Pag-alis nila, siya namang dating ng kotse ni Harold. Napakunot ang noo ko at ipinagtaka kung bakit siy

