NIKA'S POV: Wala sa sariling pumasok ako sa loob ng bahay, habang iniisip ang mga mata ni Nic na tila kay lungkot habang nakatunghay sa akin. May kung ano sa aking puso na tila kumirot habang iniisip ko ang mga mata niya. Nasa ganoon akong pag-iisip nang bigla akong matilapid sa paa ni Roxanne na nagdulot ng aking pagkadapa sa sahig. "Ahhh... aray, ang sakit!" maluha-luha kong sabi, habang hinihimas ang aking tuhod. Wala naman gasgas, ngunit kay sakit talaga ng aking tuhod. Kaya nang magpatuloy ako sa paglalakad ay para akong napilayan. "Ano ba 'yan, ang lampa mo naman!" tila naiinis niyang sabi, habang nakatingin sa akin na ika-ika na maglakad. Sa inis ko ay inirapan ko siya. Kung hindi niya ako tinilapid ay hindi naman ako madadapa. Nakatitig siya sa akin habang paakyat ako ng h

