VERONIKA'S POV: Ano daw? Para akong nabingi sa tanong niya. Totoo ba 'yung narinig ko o guni-guni ko lamang? "Will you marry me?" muli niyang tanong na ikinailing ko. "Ayaw mo bang ikasal sa akin?" Nababahala niyang tanong na ikinangiti ko. "Dito ka lang talaga magpo-propose? Wala man lang romantic date at flowers?" Sabay irap ko. Mas lalo siyang lumapit sa akin at mahigpit na niyakap ako. "Ito lang muna, kailangan kong makasigurado na pakakasalanan mo ako," sambit niya, sabay ngisi. "Gusto kong makasal tayo rito, tapos ay sa Pilipinas," saad pa niya. "I want to make sure na sa akin ka lang, at wala nang makakaagaw na kahit sino sa'yo." Matatag niyang sabi na ikinailing ko. Kaya nang isuot niya sa akin ang singsing ay wala na akong nagawa, saka muling nagpaubaya sa mga halik niyang

