"Ang daming lugar bakit dito? Anong meron dito?" naiinis na tanong ni Blue habang paakyat sila sa isang lumang apartelle na meron restaurant sa baba. "walang katapat na building at maraming tao sa baba since gay bar siya at club na din." matipid na sagot ni Cassie habang paakyat sila sa hagdan dahil wala din elevator. "Wala ka naman sigurong masamang balak sa akin diba?" tanong ni Blue na masamang nilingon ang binata na kasunod. Hanggang makarating sila sa kuwarto na inupahan ni Cassie at pumasok sila roon. "Alam ba ng silver city ang pinag gagawa mo?" tanong ni Blue habang nakatingin sa corkboard na maraming picture at mga yarn na parang nag co-connect the dots si Cassie. "May pinatay sila para mapagtakpan ‘tong proyektong ‘to. At hindi lang si Dominic ang nawalan ng buhay, Blue." an

