Episode 6- Birth

1443 Words
9 Months later... Nag mamadaling pumasok si Cassie sa isang rest room ng gasoline station at nag mamadaling itinaas ang suot na T-shirt at sweatshirt. Winter season ngayon sobrang lamig kaya balot na balot siya pero ngayon tagaktak ang pawis niya at halatang may iniinda siyang sakit na kanina pa niya tinitiis sa hospital pa lang pero ngayon gabi hindi na niya kayang tiisin ang sakit na nararamdaman. Nag mamadaling tinawagan niya ang isang matandang kausap tungkol sa sitwasyon niya na ito lang ang nakakaalam. Ngunit napa-aga ng 1 week sa bilang niya. Nag mamadaling inalis ni Cassie ang belly band ng tiyan niya at nag mamadaling hinubad ang suot na underwear at sinumulan na umire habang kagat-kagat ang damit niya. Walang nakakaalam na buntis siya kahit pamilya niya inilihim niya sa abot ng kanyang makakaya. Dahil ayaw niyang tuluyan na magalit sa kanya ang mga ito at pauwiin ng Pilipinas, palihim na niyang ini-imbestigahan ang pagkamatay ni Dominic kaya hindi pa siya puwedeng bumalik ng Pilipinas. At hindi rin puwede na mabunyag ang totoo na si Blue ang ama ng anak niya. Hindi pa siya handang mag paliwanag kung paanong nangyari dahil kahit siya walang na aalala maliban sa katotohanan na si Blue ang naging ka s*x niya ng gabing iyon. At dahil siguro sa kakaipit niya sa belly bump niya napaaga ang panganganak niya kesa sa bilang ng menstrual cycle niya. At dahil sa nangyaring biglaan panganganak niya tiyak na magkakaroon siya ng malaking problema na hindi na niya maiiwasan. Sana lang maagang makarating si Auntie Me-ann at makuha nito ang anak niya. Healthy naman siya at regular ang inom niya ng mga vitamin niya kaya nasisigurado niyang magiging safe ang baby niya pero hindi lang talaga niya inasahan ang biglaan niyang pangananak. "Miss are you okay?" tanong ng isang babae mula sa labas at hindi malaman ni Cassie kung hihingi ba siya ng tulong rito. Pero wala na siyang choice kailangan niya ng tulong. Nag mamadaling binuksan niya ang pinto at nagulat ang babae ng makita siya. "Oh my god! Wait let me call an ambulance." "No! No! Yes—I'm a doctor. It's... it's crowning. I won't make it to the hospital." hirap na wika ni Cassie na inabot ang bag niya, she opens her bag with trembling hands, revealing a small emergency medical kit and sterile gloves, scissors, alcohol, gauze, clamps, and a few other essentials. "Please, I need your help. I'm going to deliver this baby now. Put on the gloves, just follow my voice, okay?" "What are you damn serious na tataranta na tanong ng babae pero nag mamadali nga nitong sinuot ang gloves habang nakatingin sa babae na basang-basa na ng pawis at nag simula ng umiri kahit hindi pa siya ready. "Sterilize your hands with the alcohol. Then, when I say push... I need you to support the baby's head. Steady and slow, okay?" "My god!" natataranta pang wika ng babae na hindi malaman ang gagawin na parang gusto pang maiyak. Isang malakas na ire lang ang ginawa ni Cassie at tuluyan ng lumabas ang baby niya. Na agad naman na sinalo ng babae habang umiiyak ang baby na, umiikot naman ang paningin ni Cassie pero pilit niyang pinang lalabanan ang pag didilim ng paningin niya. "Please… just tell me what to do. I need to move. I need to act. Now." "Clamp the cord. Scissors—cut just above the clamp. You're doing great..." usal pa ni Cassie habang pinapanood ang ginawa ng babae ang lahat ng utos niya. "Take this—wrap it around her before anyone sees." inabot ni Cassie ang dilaw niyang sweatshirt na hinubad. "Help is on the way. Can you wait for her, please?" tumango naman ang babae habang binabalot ang batang lalaking hawak na tumigil na sa pag-iyak. Nag mamadali pa nitong pinupunasan ang mukha ng baby na puno pa ng dugo ng matigilan ng makita ang birth mark sa dibdib ng batang lalaki at ang hitsura ng batang lalaki ng malinis niya ang mukha nito. Blue mahinang usal niya sabay lingon sa babae na bagong anak pero natakot siya ng makitang maraming dugo ang lumalabas sa gitnang bahagi ng katawan nito at mukhang nawalan ito ng malay. Bigla siyang napatayo at nakaramdam ng takot na napa atras habang buhat-buhat ang isang batang lalaki. Kaya naman nag mamadaling na siyang lumabas ng restroom na buhay ang baby at nag mamadaling bumalik sa kotse niya at inihiga ang baby na ubod ng liit sa passenger seat saka nag mamadaling umalis dala-dala ang sangol na hindi niya alam kung anong eksaktong ginawa niya. - - - - - - - - Dahan-dahan na nagdilat ng mata si Cassie na muli lang ulit na napapikit ng masilaw sa liwanag. Agad naman niyang narinig ang mga boses na umuugong sa tenga niya. Kaya ng muli siyang nag dilat ng mata na bigla pa siya ng makita ang magulang na naroon, kita ang labis na pag-aalala sa mukha ng mga ito pero bakas din ang galit sa mga mata. "What have you done Cassandra?" na iiyak na tanong ni Charlie, napalunok naman si Cassie na tanging namutawi sa labi niya at paghingi na lang ng sorry. "Paano mo nagawang itago sa amin ang pag bubuntis mo, ano bang tingin mo sa amin huh?" tanong pa ni Sevy na napapapikit na napapailing. "Paano kung hindi ka nakita ng mga bodyguards mo sa banyo at hindi agad kayo nadala ng anak mo sa hospital your probably dead." wika pa ni Charlie. "Asan po ang anak ko?" nahihiya pang tanong ni Cassie. "Nasa incubator pa siya sa ngayon sobrang hina niya at sinabi na din ng doctor na masuwerte kung makaka survive ang bata with in 24hrs." napapikit naman si Cassie ayaw niyang umiyak pero hindi niya mapigilan. Kawawa naman ang anak niya hindi siguro ito mapapahamak ng ganun kung sinabi na lang niya sa parents niya ang sitwasyon niya. "Sino ang ama ng bata?" tanong pa ng ama, hindi agad na nakasagot si Cassie. "Ang walanghiyang Dominic na yun ba?" napakagat labi si Cassie, ano bang tamang isasagot niya. Hindi niya puwedeng sabihin ang totoo tiyak na lalaki pa ang gulo kapag sinabi niya ang totoo na si Blue ang ama ng anak niya. "Ma, Dad... I'm sorry pero kung tingin n'yo na isang malaking kahihiyan ang anak ko patawad po. Ayoko lang po kayong bigyan ng kahihiyan kaya sinubukan kong itago hanggang sa makakaya ko sana kaso lang..." natigil sa pag sasalita si Cassie at humikbi na lang na pinatigil naman agad ni Charlie dahil masama daw sa bagong anak ang umiyak. "Wala pong nakakalam na nag buntis ako kahit po sa school at sa hospital na pinag tatrabahunan ko. Alam ko pong bunga ang anak ko ng pagkakamali ko pero wala pos siyang kasalanan Mom Dad so please wag po kayong magalit sa baby ko." napabuga naman ng hangin si Sevy. "From now on kalimutan mo ng may anak ka! Pag sisihan mo ang ginawa mo sa sarili mong anak na pilit mong itinago sa amin. Kaizer will be a Van Amstel, but no longer your son." wika ng ama saka tumalikod at iniwan na silang mag-ina. "Anong ibig sabihin ni Dad, Mom?" tanong ni Cassie. "Nag-usap na kami ng Daddy mo kanina, we named him at nag kasundo na pangalan namin ng daddy mo ang kikilalanin niyang magulang at hindi ikaw." "Pero Mom?" "Mabuhay ka ng na aayon pa rin sa gusto mo, hindi namin ito ginagawa para saktan ka Cassie. Konti na lang makkatapos ka na ng pag-aaral. Nagawa mong itago ang pag bubuntis mo sa amin kaya panindigan mo na lang, kapag kaya mo ng maging ina sa anak mo at alam mo na kung anong mali mo sige kunin mo sa amin si Kaizer, ibibigay namin siya sa'yo. Pero sa ngayon mag tapos ka muna ng pag-aaral mo at sana ito na ang huling pag kakamali na magagawa mo dahil sa bawat pagkakamali n'yong magkakapatid patunay lang yun na naging mali siguro ang pag papalaki namin sa' inyo kaya kayo ganyan." mabilis na umiling si Cassie. "Hindi po totoo yun ma, kayo ang pinaka mabuting parents para sa akin, sadyang na sa akin po ang mali mom, patawad po. Pangako lang ng gusto n'yo yun na lang ang susundin ko. Hindi na po ako susuway magiging mabuting anak po ako." hikbi ni Cassie na niyakap naman ni Charlie. "Hindi lang si Dominic ang lalaki sa mundo Cassie, marami ka pang ma memeet na ibang lalaki na mas higit sa kanya. At kung wala ka man makita ako ang hahanap ng tamang lalaki para sa'yo anak.' wika ni Charlie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD