Gustong maasar ni Cassie habang nakikinig ng isang classic love song na miss you like crazy, para tuloy gusto na niyang mag back-out sa usapan nila ni Blue. Bakit ba naman kasi bigla nag patugtog ang may ari ng restaurant ng love song, hindi naman siya nag punta dun para makipag date. Nakarinig pa ng tikhim si Cassie na ikinalingon ng dalaga at nakita niya si Blue na nakangisi na mukhang nakakaloko at mukhang na tutuwa naman ito sa pa music ng restaurant at parang gusto pa siyang asarin ng maupo na ito sa harapan niya at kinanta pa ang ilang lyrics ng kanta. If seeing's believing, it's worth the wait. So hold me and tell me it's not too late. We're so good together, we're starting forever now "Stop it! Not funny." "Is this a date? Nice place." ngiti pa ni Blue na tumingin sa paligid.

