Nag pakita ng ID si Bella bago pumasok sa loob ng kuwarto ni Dominic para tingnan ang vital nito. Agad siyang pinapasok ng mga bantay na pulis sa loob ng silid ni Dominic. Agad niyang tiningnan ang mga vital nito, maayos naman ang lagay nito patalikod na sana siya ng pigilan siya ng isang kamay at bago pa siya makapag react mabilis na siyang nahila ni Dominic ng isang kamay nitong bakante at walang posas saka walang sabi-sabi na siniil ng halik na ikinagulat ni Bella na pinilit manglaban. Nakawala lang siya ng pumasok ang mga pulis na nag babantay kay Dominic at tinulungan siya. Bumagsak siya sa sahig na sapo ang leeg habang uubo-ubo na parang gustong masuka. Agad naman siyang nilapitan ng isang pulis at humingi ng tulong dito dahil parang hindi siya makahinga. Agad naman siyang inalala

