Kanina pa mainit ang ulo ni Cassie dahil nag paalam lang si Blue sandali na uuwi dahil kukuha lang daw ito ng gamit nilang mag-ina pero hapon na wala pa rin ito. Umaga pa ito umalis, kanina pa rin siya tawag ng tawag dito ayaw man lang sagutin hanggang sa pintayan pa siya ng phone kaya lalo ng nag-iinit ang ulo niya. Siguro kasama nito si Bella Menor na yun, ano kaya ang possibleng ginawa ng mga ito at hindi maabala. Naiinis siyang mag-isip ayaw man niyang maging paranoid hindi niya mapigilan. Nang tumawag kasi siya sa bahay naka alis na daw si Blue bandang 11am pa ng umaga sa bahay sabi ng katulong. Kaya sa office nito siya tumawag pero sabi naman ng assistant nito hindi daw napunta doon si Blue nag file daw ito ng leave nung nakaraan pa kaya wala na siyang maisip na lugar kung saan ito

