"Pero sir, may mga testigo ako na sinaktan ako ng intsik na yun. Hindi naman siguro masama na magalit ang boyfriend at iganti ako." explain pa ni Cassie habang pinagagalitan siya ng hospital director. "Gusto kong paniwalaan yang sinasabi mo pero as long as alam ko na hindi ka naman talaga ordinaryong doctor lang ang hirap paniwalaan niyang sinasabi mo na sinaktan at sinampal ka ng isang ordinaryong payat na intsik. Ni hindi nga namula yang pisngi mo." wala naman sa loob na hinawakan ni Cassie ang pisngi. "Wag na tayong mag lokohan, palalampasin ko ang ginawa mong ito ngayon. Pero ikaw ang papalit kay Doc Helga para sa night duty mamaya." ibubuka na sana ni Cassie ang bibig para mag reklamo pero hindi na niya nagawa dahil meron ng tumawag sa telephone sa director at sinenyasan na lang si

