Nag mamadaling pumasok ng hotel si Pia dahil nag sisimula ng umulan mukhang may bagyo pa yatang parating. Kanina lang maaliwalas ang paligid pero ngayon 3pm pa lang ng hapon parang pa gabi na. Hindi pa naman siya tapos mag shopping napilitan na siyang umuwi dahil baka mahirapan siya mag drive pag lumakas ang ulan. Hindi pa naman niya kabisado ang daan sa Cagayan. Medyo nag taka pa si Pia ng makita ang mga pulis sa lobby ng hotel, ano kayang nangyari at parang may hinihintay ang mga ito. Nag kibit balikat na lang siya saka taas noo na nag lakad habang bitbit ang mga designer paper bag na nag lalaman ng mga pinamili niya. Hawak niya ang phone ang phone na nag selfie pa habang nag lalakad sa gitna ng lobby sabay post sa IG niya para ipag yabang na kahit wala na siya sa limelight na mumuhay

