Chapter 6: A Friendship
Dennis POV:
[PUBLIC MARKET]
"Magkano isang kilo?" -tanong ko aa tindera habang nakaturo sa isda.
"Singkwento lang po!" -sagot ng tindera
"Isang kilo tapos samahan mo na din ng siling green, luya at bawang" -ani ko
"Bale sixty-five na lang" -ani ng tindera
*Phone vibrating* Calling Nanay....
"Pre dito lang ako ha, sagutin ko lang" paalam ko kay Vince
Tumango sya "Sge lang pre"
Pumunta ako sa tahimik na lugar.
"Hello nay, napatawag ka!" -ako
"Gusto lang kita kumustahin anak, Anong lagay mo dyan nak? Kumain kana ba?" -nanay
"Ayos naman ako dito nay, sa katunayan sinamahan ko si Vince dito sa palengke para bumili ng makakain" -ako
"Hay mabuti naman nak, eh ang trabaho mo kumusta?" -nanay
"Sus nay, tsk! BASIC!" pagmamayabang ko "Eh yung pinadala ko nay may natira pa ba?"
"Paubos na nak. Pero wag ka mag-alala dahil umextra ako sa labada para may pang dagdag" -nanay
Napabuntong hininga ako dahil sa inis "Nay sinabi ko naman diba? Wag kayo magpapagod! Magpapadala naman ako eh"
napakamot ako sa ulo "Paano kung sumpungin kayo ng sakit nyo?" pag alala ko
"Anak umiinom naman ako ng maintenance at kumakain ng masu-sustansya. Kinailangan lang talaga mag-extra dahil naningil si Brenda" -nanay
"Haist, bwisit talaga yang matandang yan, pag ako talaga yumaman sasampalin ko yang ng pera" -galit kong turan.
"Oh anak yung pagka-salbahe mo umiiral! Anong sabi ko noon?" -tanong nya at napa-rolled eyes ako.
"Dibale ng mahirap basta kang mabuting tao" -walang gana kong sagot.
"Oh sya bukas nay magpapadala ako. Mag-ingat kayo dyan" -seryoso kong turan.
"Sge anak mag-ingat ka rin dyan"-ako
"Opo nay"
*End call*
Maglalakad na ako pabalik kay Vince ng biglang may nabangga ako.
Napahinto ako "Sorry po!"
Napatingin ako sa babaeng nabangga ko.
"M-Mikay!" -bigkas ko ng ngalan nya
"Dennis!" -masigla nyang sabi at nakagiti
"Kumusta ka?" -tanong nya at nakaramdam ako ng onting hiya.
"Ayos lang ikaw ba?" -tugon ko
"Oks lang din. Lagi ka ba pumupunta rito?" -Mikay asked
"Hindi eh, first time ko dito"
"May kasama ka?"
"Oo yung kababata ko. Papakilala kita"
Nakita ko si Vince na papalapit dala ang ibang pinamili.
Kinawayan ko sya..
"Okay na pre, nabili ko na yung iba pa!" aniya at tuluyang nakalapit na samin.
"Pre, pakilala ko nga pala sayo si Mikay" masiglang sabi ko at nag-iba ang expression ni Vince.
"Teka ikaw yung anak ni kapitan diba?" -Vince
"Oo ako nga" -Mikay
"Teka, paano kayo nagkakilala?" -Vince
"Nakasabay ko sya sa LRT at Jeep. Tapos naging costumer namin sila sa resort" -ako
"Tapos linigtas nya ako sa pagkakalunod sa Aqua Paradise" -Mikay
"Ba't di mo sinabing may nangyaring ganun?" -may pagtataas sa boses ni Vince.
Bakit biglang nag-iba ang timpla nya?
"Hindi naman kasi mahalaga---" pinutol ni Vince ang sasabihin ko.
"Ewan ko sayo Dennis!" -galit nyang turan at nag-walkout
"Mauna na ako Mikay" -paalam ko
"Wait lang!" ani ni Mikay at may inabot na sticky notes.
"sss acc. ko yan, add mo ako" ani ni Mikay at tumango lang ako.
Hinabol ko na si Vince.
Anong problema nya?
"VINCE WAIT LANG! ANTAYIN MO AKO"
--------
[Vince House]
"Vince ano bang problema?" mahinahon kong tanong
"Ikaw, ikaw ang problema" madiin nyan turan.
Biglang lumapit si ninang.
"Mga anak, anong problema?" tanong ni ninang
"Ayang inaanak mo, nakikipag-kaibigan sa anak ni kapitan!" galit nyang turan
"Ano bang masama doon Vince?" naguguluhan na ako.
"Alam mo ba kung anong klaseng pamilya sila? Mga sakim sila pre!" -may diin nyang sabi
Napa-face palm si Vince at namuo ang luha sa mga mata nya.
"Nawalan akong ng scholarship dahil sa kuya nya. Siniraan ako ako sa sponsor ko at pinalabas na nag-cutting daw ako at nagsugal.
Pinicturan ako kasama ang mga kaibigan ko pero ang totoo vacant namin yung at kelangan namin mag-research" at napangiwi na sya at nag-umpisang lumuha.
"Lastly inanakan nya ang girlfriend ko, sinadya nyang anakan para agawin sakin si Rachelle!" aniya at nasuntok ang pader.
"Pero kuya nya lang ang may kasalanan at hindi ang pamilya nya" sagot ko
"Syempre may kadugtong pa yun. Nagka-UTI si Janice noon. Walang bahong trabaho si papa dahil kaka-ENDO nya lang sa dati nyang trabaho, si mama naman labandera lang.
Ako naman minor pa kaya walang mahanap na trabaho." he bite his lower lip with a bitter face "lumapit kami sa kanila Dennis, pero wala kaming napala. Pero walang natupad kesyo kulang daw ang pondo. Lumaki ang utang namin sa ospital pero ni-isang tuloy sa barangay pucha walang dumating!"
"For sure katulad din nila si Mikay" aniya at tumalikod at pumasok sa kwarto nya.
Sinundan ko sya sa loob para i-comfort.
"Pre" pagtawag ko pero hindi sya lumingon.
Tumabi ako sa kinauupuan nya
"Sorry. Hindi ko naman alam na may ganyan kayong issue"
Hindi pa din nya ako kinibo.
"Alam mo kung magpapa-lamon tayo sa bitterness, habang buhay lang natin ikukulong ang sarili natin lungkot ng nakaraan" paninimula kong mag-advice
"Hindi porket ginawan ka ng masama ng mga kapamilya lahat sila magiging masama na.
Lahat tayo deserve bigyan ng chance, bakit hindi mo pagbigyan si Mikay? Wala akong nakikitang masama sa kanya!"
"Bakit kilala mo na ba ang Mikay na yan?"
"Kaya nga bibigyan ng chance para makilala eh" sagot ko.
"Sige kaibiganin mo yang Mikay na yan, mukhang mas gusto mo naman sya kesa sakin"
"Vince kahit ilang Mikay pa ang dumating sa buhay ko. Ikaw pa din ang Vincent Arevalo na bespren ko. Nag-iisa ka lang" ani ko at napangiti sya.
"Tsk. Ang bading ha! Tirahin kita dyan eh"
"Oyy, gusto yan! Hahaha"
"Talaga ba? Halika dito at tumuwad ka"
"Baliw ka talaga Vince, bitawan mo ko"
Doon ay nagkaayos na kami at bumalik na sa normal.
Agad kong in-add si Mikay at pini-em ko sya.
Nagkumustahan, nagbiruan at kung anu-ano pa.
Through that moment na build ang friendship namin ni Mikay. Naging close kami.
Minsan pinupuntahan nya ako after duty kapag umaga ang uwi ko at nakakapag-usap kami ng masinsinan.
Mas nakikilala namin ang isa't-isa dahil doon.
Hanggang isang araw ay naabutan ko syang muli sa labas ng resort.
{A/N: Play song: Sa Dulo ng Walang Hanggan
Avenue}
"Uy, Mikay ikaw ulit!" masaya kong turan.
Simple lang ang porma nya: Maong na pantalon, white rubber shoes, tapos polo-shirt na stripes na red (pero open lang) at plain black t-shirt ang loob at naka-white cup.
"Sasali kang hiphop dance?" pagbibiro ko.
"May pupuntahan tayo dali" aniya sabay hila sa kamay ko at biglang tumakbo.
Tumakbo kaming magkahawak ang kamay papuntang jeep station.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko noong nasa loob na kami ng jeep.
"Basta wag ka na magtanong!" turan nya.
Napatingin ako sa mukha nya. Maganda pero simple lang.
"Buti naman at opening ka na-assign" aniya.
Once na opening shift ka, 6am - 3pm ang duty.
"Oo nga eh, nakidnap mo tuloy ako" biro ko
"Tsk. Baliw ka" aniya.
Nagpatuloy sa pagtakbo ang jeep.
"Manong para po!" aniya at hinila ang buzzer ng jeep.
Pagbaba namin ng jeep ay matataas na building ang sumalubong sa amin.
Para kaming nasa New York dahil napakataas ng bawat building.
Sa lugar kasi na kinalakihan ko bihira ang ganito, halos 5th floor lang ang pinakamataas
"Halika!" aniya at napansin kong hawak-hawak pa rin nya ang kamay ko.
Hinila nya ako papunta sa isang food stall na puro kwek-kwek ang tinda.
Hindi ko mapigilang mamula at mabalow kay Mikay. Yung puso ko parang gusto tumalon dahil sa bilis ng pagtibok tapos parang umiinit ang pisngi ko at kinu-kuryente ying batok ko.
"Kumakain ka ba nito?" tanong nya
"Oo naman, inuulam ko pa nga yan" sagot ko
"Kuya dalawa nga, yung isa walang pipino pero lagyan mo ng chili-oil" aniya
"Akin naman damihan mo ng pipino kuya" aniko
This time ako naman ang nagbayad ng pagkain para makabawi sa kanya.
Tumanggi sya ng una pero huli na.
Umupo kami sa isang table na may salawang kahoy na upuan.
"Akala ko ayaw mo nito" aniya habang ngumunguya
"Mag-iinarte pa ba ako eh laki naman ako sa hirap" tugon ko nanan.
"Laki sa hirap. As in squatter area?" tanong nya na may paglilinaw.
"Oo. Ang masaklap pa doon, hindi samin yung buhay. Na-demolish kasi yung totoong pag-aari namin" pagki-kwento ko
Kumain muna ako at muling nagsalita
"Pero alam mo, iniisip ko. Yayaman din ako pagdating ng panahon at iaahon ko ang pamilya ko sa hirap"
Tumango lang sya at kumain muli
"Maiba tayo Dennis ilang taon kana?"
Ngumiti ako "24 yrs old na ako, ikaw ba?"
"Magti-23 next month, bata ka pa Dennis, matupad ko pa yan!" nabuhayan ako ng loob sa tinuran nya, ang sarap sa pakiramdam.
"So anong natapos mo?" tanong nya muli.
"Sa katunayan hindi pa ako tapos. Graduating palang ako this year sa kursong HRM." humigop ako ng palamig "Na-late kasi ako mag-college dahil huminto ako ng higit dalawang taon bago mag-aral muli. Pagtungtong ko kasi ng 18yrs old, kinailangan ko muna magtrabaho"
"Ako naman huminto din ng isang taon, hindi para magtrabaho kagaya mo kundi para magpahinga at mapag-ispan kung ano talaga ang gusto 'maging' in the future" uminom din sya ng gulaman juice
"May na income naman kami pang-paaral. Hindi naman kami mahirap at hindi rin kami mayaman" bahagya lumapit sya kaunti "Middle class kumbaga. Na nababayaran mo ang mga bills mo, natutugunan ang araw-araw na pangangailangan, may sapat na income dahil lahat may trabaho, at kung may matira mabibili mo ang gusto mo. Simpleng buhay pero hindi gipit" paliwanag nya
"So mayaman ka pa din" sabat ko
"Magkaiba ang mayaman at middle class" pagtutol nya
"Oh sige, paano?" hamon ko
"Middle class, sapat na may budget at income lang. Hindi man ganun kalaki ang pera mo atleast hindi ka naghihikaos sa hirap.
Ang mayaman naman, malaki ang bahay at bawat isa may sariling sasakyan, may sariling katulong at mga alagad. Syempre may milyon at bilyon na pera dahil may mga assets, ari-arian at malaking negosyo" paliwanag nya
"Pero ginusto mo rin bang yumaman?" tanong ko
"Hindi. Masaya na ako sa middle class. Tsaka ayoko ng kumplikadong buhay" sagot nya
[Over Looking Tambayan]
Matapos namin kumain at magkwentuhan ay dinala nya ako sa isang mataas na lugar.
Parang sky highway ang datingan pero walang sasakyan na dumadaan.
May wall sa likod na may makukulay na vandal.
May lettering at pa-doodle.
May puno sa likod ng pader at mula sa harap ay tanaw mo ang papalubog na araw at ang matataas na gusali sa kalayuan.
"Kapag stress ka, galit ka, depress ka pwede mo isigaw dito! Walang makakarinig at walang papansin sayo" paliwanag nya
"Magwala ka, humiyaw ka, tumili ka, magmura ka! Ilabas mo lahat" pahabol nya.
Tumanaw sya sa sunset. At humarap sakin.
"Gusto mo subukan?" tanong nya ng harapin ako.
"Ah, eh! S-sige" sya lang naman ang kasama ko eh.
Umayos ako ng pwesto at huminga ng malalim.
"HEELLOO!" pauna ko
"NARIRINIG NYO BA AKO!!" another deep breath
"TAY, MISS KA NA NAMIN ALAM MO BA YUN?"
Doon ay medyo gumaan nga ang pakiramdam ko.
Ilang sandali pa ay lumapit si Mikay.
Mukhang sisigaw din.
"HELLOOO!" pauna nya.
"AMBAHO NI DENNIS ALAM NYO BA YUN?" hala, baliw ang babaeng ito ah.
"MAS MABAHO PO SI MIKAY!" ganti ko.
"Hahahaha" sabay pagtawa nya.
"Mabaho ka talaga Dennis!" at tumawa
"Lah, di naman nakakatawa"
"Hahaha kalalaking tao mukhang pikunin"
"Di ako magaling sa asaran, sakalan gusto mo?"
Agad syang tumakbo at hinabol ko.
Nagpatintero kami sa mga pader na parang isang bata hanggang na-corner ko sya mula sa likuran.
Ikinulong ko sya sa bisig ko mula sa likuran ya at hinigpita ko ang yakap habang tawa sya ng tawa
"Hahahaha! Dennis tama na hindi ako maka hinga hahaha"
"Mabaho pala ahh"
"Hahaha Dennis, bitawan moko"
Naging masaya ang bakasyon ko sa mga nalalabing mga araw ko dahil kasama ko si Mikay.
Iba ang sayang hatid nya kumpara sa mga ordinaryong kaibigan.
Sa kanya lang ako kinakabahan, at kini-kilig.
Yung tipong parang nasa alapaap ka.
Isang araw ay may napagkasunduan kami ni Mikay.
------------------------
"Pre, anong gagawin natin dito? Sana nag-fast food na lang tayo kesa dito sa restaurant. A g mahal pa!" -reklamo ni Vince
Patuloy kaming lumakad papunta sa isang table.
Wala din masyadong costumer at iilan lang ang table na may laman.
Lumapit kami sa isang table kung saan naroon si Mikay at ang lalaking naka-blue hoody jacket.
"PRE ANO ITO?" galit na turan ni Vince
"Pre, para sayo din ito!" -ani ko at pinipigilan sya lumabas.
"PINAGLALARUAN MO BA AKO?" -tila nanlilisik na ang mata ni Vince
"Vince huminahon ka" si Jumong ang lalaking iyon. Ang naka blue hoody
"At bakit ako makikinig sayong g*go ka?" matapang na turan ni Vince at nagkuyom ang kamao nya
"VINCENT please, ayusin na natin ito! Patawarin mo na ako" -pagsusumamo ni Jumong
"Sa tingin mo ganun na lang kadali yun? Sinira mo ang pinaghirapan ko.
Ang scholarship mo at higit pa dun ginapang mo ang girlfriend ko. Ayos lang kung kant*t lang pero p*ta ka! Binuntis mo pa!" -galit na turan ni Vince
"Alam ko hindi ganun kadali akong patawadin, I mean kaming patawarin. Pero Vince handa kong gawin ang lahat mapatawad mo lang ako" pakiusap ni Jumong
"Mapapatawad lang kita, kapag nakita na kitang nagdurusa!" -halos kilabutan ako sa tinuran ni Vince.
Ang kaibigan masiyahan, makulit at medyo bastos ay may kakayahang magsalita ng ganito.
"Pagdurusa?" ani ni Jumong at napatawa ng mapakla "Hindi ako nakatungtong ng college dahil maaga kaming nagkaanak ni Rachelle. Nagkaroon ng sakit ang panganay namin matapos ko mawalan ng trabaho bilang rider sa isang fastfood dahil na-frame up ako ng co-rider ko." He look at Vince "Hindi pa ba pagdurusa yun?"
Tila natulala kami ni Vince sa kwinento nya.
"You deserve that!" ani ni Vince at nagwalk-out.
[Vince House]
"Pre hanggang kailan ka magiging biter? Hindi ka ba nabibigatan?" -ako
"MANAHIMIK KA! WALA KANG ALAM" -Vince
"Oo wala akong alam pero may pakialam ako sayo"
"BAKIT MO BA GINAGAWA ITO HA?"
"Ginagawa ko ito para sayo! Kaibigan kita! Mahalaga ka sakin! I want you to set free from hatred!" I face him "Diyos nga nagpapatawad, tayo pa ba na tao lang?"
Naging tahimik kami ng ilang oras sa loob ng bahay at walang imikan.
Hanggang kinagabihan.
"Pre siguro tama ka, bitterness nga ang dahilan para tanggalan ng karapatan sumaya ang tao" aniya
"Yun, narealize mo din!"
"Papatawarin ko na ang mga Sanchez"
Napangiti ako sa tinuran ni Vince at inakbayan sya at hinalikan sa pisngi.
"Ayan ka na naman pre, pag ako tinigasan sayo re-rapin kita!" -natatawang sabi nya
"Basta dahan - dahanin mo lang virgin pa ako" biro ko
"Ikaw talaga, nanggigil ako"
"Hoy, Vince ano ba! Wag mo ako patungan!"
"Rraaarrr!"
"Vince ! Vince ano ba yung short ko!"
"Wooah, antaba ng pwet mo pre"
------------
[Resto Bar]
Nasa resto bar kami nila Mikay at Vince.
Nagkaayos na din sila Jumong at Vince at tuluyan nya ng pinatawad ang mga Sanchez at friends na din sila ni Mikay.
Si Vince ay umiinom ng brandy.
Si Mikay naman ay margarita ang iniinom.
Ako naman ay tubig lang.
"Pre ba't di mo i-try!" ani ni Vince sabay papag mo shot glass sa harap ko.
"Sige ba nga!" kanina nya pa kasi ako pinipilit
Sh*t ang pait, nakakaluwad tapos na parang maanghang sa lalamunan.
"Pre wag mo unti-untiin, lagukin mo" sinunod ko naman si Vince.
Agad akong kumuha ng tubig ay ilang segundo ko lang naubos.
Honestly, alak ang kahinaan ko.
"Pasensya na pre mahina ako sa alak" aniko
"Ba't di mo enjoyin, kahit ngayon lang" -Mikay
Ilang sandali pa ay biglang humapdi ang tiyan ko at namilipit ako.
Nagpatuloy kami sa pag-iinuman at nagkasiyahan.
Hindi ko alam kung ilang shot na ang pinaino ni Vince, basta nanlalabo na ang mata ko.
Laylay na din ang dila ko dahil ang pangit ng lasa ng alak sabayan pa ng nakakahilong tugtog.
Sa mga oras na ito ay isang bagay ang na-realize ko.
Friendship is the best instrument to set someone free from bitterness.
Maya-maya ay nagbago ang tugtog at naging romantic.
May mga mag-jowa na biglang nagsayaw at mga magka-kaibang nagsasayawan.
Tumayo ako para hingiin ang palad ni Mikay.
Hay, lasing na talaga ako, di kona alam ang ginagawa ko.
"Can we dance?" -tanong ko
"Ay, wow pare ha!" -ani ni Vince
"Sure" tugon ni Mikay.
Magkahawak kamay kaming pumunta sa dance floor.
Nakasabit ang mga kamay nya sa balikat ko.
Habang ang mga kamay sa bewang ko.
Marahan kaming gumalaw kasabay ng musika.
Tonight, will be the night that I will fall for you, Mikay..
--------------------------
My last day here in Makati:
Looking at the calendar.
Ang bilis ng panahon, hindi ko akalaing uuwi na ako sa tunay kong tirahan.
*tok tok tok*
Binuksan naman ni Vince.
"PAPA!" -naghalo ang gulat at saya sa boses ni Vince.
Nakauwi na pala si ninong.
Napatigil si ninang sa ginagawa nya.
"Sa wakas papa, umuwi ka din" -ninang
"Sus mama, nananabik ka lang" -ninong
"Baliw ka papa, ang bastos mo talaga!" -ninang
"Welcome back ninong!" -pagbati ko.
Lumapit sya at ginulo ang buhok ko.
"Ninong naman" reklamo ko.
[Aqua Paradise Resort]
"Hindi ako makapaniwalang last day na ni Dennis " -head chef
"Ayos lang yun chef, babalik naman na si ninong eh" -ani ko
"Kaya pala malungkot si sir Jon" -kuyang washer
"Paano uuwi na lang si Dennis, di manlang nya natikman" -biro ni kuyang back up
"Hahahaha" other kitchen staffs
Nagpatuloy ang operasyon.
Ako man ay nalulungkot din dahil kahit sandali lang ako nanatili sa resort na ito.
Madami akong natutunan, napamahal ako sa mga katrabaho.
Iniisip ko na sana ñahat ng trabaho ganito.
Walang toxic. Lahat nagmamahalan, nagtutulungan, walang inggitan, walang lamangan, medyo bastos man ang bunganga nila pero atleast masaya.
Mamimiss ko ding ang pangalawang pamilya ko: Ang Arevalo family.
Mula pagka-bata hanggang lumaki ako hindi nagbago ang turing namin sa isa't-isa
Si Mikay at syempre ang unang babaeng nagpatibok ng puso ko.
M
atapos ang duty ay pumunta na ako sa office ni sir Jon para kunin ang last salary ko.
"Good afternoon sir" pagbati ko at bakas ang lungkot sa mukha nya.
"Sayang magaling ka pa naman, mabait at gwapo. The resort need someone like you" aniya habang binubuksan ang drawer nya.
"Pero kung ayaw mo na talaga" binigay nya ang last salary ko "mag-iingat kana lang" aniya habang hawak ang kamay ko.
Paglabas ko ng resort ay naabutan ko si Mikay.
Yinaya nya ulit ako papunta sa over looking.
Umupo kami sa isang upuan na yari sa semento habang sabay na pinanonood ang takipsilim.
"Last day mo na pala" sabi nya
"Oo nga eh. Pero masaya ako dahil nakilala kita Mikay" sabi ko at tumingala sa mga ulap
"Sandali pa lang kita nakilala pero parang antagal para sakin"
"Ako din, napasaya mo ako at simula noong linigtas mo ako mas gusto pa kita makilala" aniya at yumuko.
"Sana noon pa kita nakilala" -ani ko
"Sana hindi pa ito ang huli nating pagkikita" -aniya
Nagtama ang aming mga mata at bakas ang lungkot sa mukha nya.
Hinawakan ko ang kamay nya at sinabing "Mag-iingat ka lagi Mikay"
Bigla nyang inagaw ang kamay nya at linapat ang palad nya sa pisngi ko na di ko mawari ang dahilan.
Unti-unti syang lumapit papunta sakin.
Halong ilang inches na lang pagitan namin at mas bumilis ang t***k ng puso ko.
Naramdaman kong tumama ang ilong nya sa ilong ko kaya't marahan akong napapikit.
Hanggang naglapat ang mga labi namin kasabay ng tila kuryenteng dumadaloy sa katawan ko.
Mas bumilis ang t***k ng puso lo at nanginig ang kalamnan ko.
Parang may paru-parong sa loob ng tiyan ko.
"Mag-iingat ka Dennis" aniya ng magkahiwalay ang labi namin.
----------------------
[LRT STATION]
Hinatid ako nila ninang, Vince, at Mikay sa pinto ng LRT.
"Dennis anak, i-kumusta mo kami ni ninong mo kay nanay mo ha" -ani ni ninang
Yinakap naman ako ni Vince.
"Mag-iingat ka pre ha." at kumalas sa pagkakayakap "Goodluck sa graduation mo at sa magiging bagong trabaho mo" aniya at pinsil ang ilong ko.
Lunapit din sakin si Mikay at hinawakan ang kamay ko.
"Dennis mag-iingat ka ha. Sana pagdating ng panahon ay makasama kita ulit" may lungkot sa boses nyang turan.
Bigla rin nya akong yinakap.
Kumalas ako sa pagkakayakap at tinignan sya sa mata habang hawak - hawak ang balikat nya.
"Mikay antayin mo ako ha" sabi ko habang magka-tama ang mga mata namin.
"B-babalik ako Mikay, pangako at gusto ko ikaw ang una kong makita pagbalik ko" at sinapo ang pisngi nya.
"Pangako yan Dennis ha!" -paniniguro ni Mikay
"Oo Mikay pangako babalikan kita!" -ani ko
At yumakap syang muli.
Ilang sandali pa sy biglang bumukas ang pinto ng LRT .
Bumitaw ako at agad pumasok.
Pwumesto ako sa harap ng pintuan at nakita ko silang magkakasama at kumakaway.
Unti-unting sumara ang pinto ng LRT.
Ito na ang huling pagkakataong makikita ko sila.
Ngumiti ako at ngumiti tsaka kumaway bago tuluyang sumara ang pinto.
At tuluyang sumara ang pintuan ng LRT kasabay at umandar na ito.
Babalik ako Mikay, pangako babalik ako
Paalam,
To be continued..
Author's Note:
Power of friendship is a strongest thing.
Grabe naging BL ang ganap nila Vince at Dennis?
Sinong ship sila jan? Babaguhin natin ang ending hahaha.