Chapter 1: Meet Dennis Del Rosario
Dennis' POV.
[LRT Station papuntang Makati]
Madyo malayo ang pagtra-trabahuan ko pero wala naman akong pagpipiliin, kailangan eh kahit na hindi ko ito gusto. Ganun naman talaga dapat diba, ginagawa natin ang isang bagay hindi dahil gusto natin kundi dahil kailangan.
Kailangan ko magtrabaho para sa pamilya ko.
Kung doon naman ako magtatrabaho sa lugar na kinalakihan ko, hindi rin sapat dahil mababa ang sweldo kasi provincial rate.
Bumukas ang pinto ng LRT at agad akong pumasok, syempre pinagbigyan ko ang priorities like senior citizens, pregnant and PWD kaya tumayo na lang ako at kumapit sa sabitan.
Habang umaandar ang LRT ay pumukaw sa atensiyon ko ang babaeng nakatayo sa harap ko.
Napatingin ako sa kanya at tinignan nya rin ako kaya nginitian ko sya at ngumiti sya pabalik.
Napayuko ako dahil nahiya ako pero nakangiti padin.
Matapos ang halos 30mins ay nakarating na ako sa bababaan ko.
*Phone vibrating*
Calling Vince.....Call Accept5
"Hello pre nasan kana?" -Vince
"Heto pababa na ng LRT" -sagot ko
"Sige alam mo na yung sasakyan papunta sa bahay diba?"
"Oo naman"
"Antayin kita sa babaaan ng jeep"
"Sge pre"
"Mag-ingat ka ha. Maraming snatcher dito sa Metro-Manila"
"Noted yan pre, salamat! Bye"
*End call*
Si Vince ay kababata at kina-kapatid ko pero lumipat sila dito sa Makati.
[At Jeepney Station]
Nahirapan ako sumakay dahil punuan.
Habang nag-iintay ay may tumayo sa tabi ko, nag-aabang din siguro.
May paparating na jeep pero malayo pa at pinara nya. Napalingon ako sa kanya
"Teka ikaw yung--" sabay naming turan.
Napangiti ako at yumuko.
"Taga -Barangay maligaya ka?" -tanong nya
"H-Hindi y-yung kaibigan ko taga-roon" -sagot ko
"Hmm... Anong gagawin mo dun?"
"Magtatrabaho ako dito" -ani ko at tumango sya.
Himinto ang Jeep sa harap namin.
"Oh maligaya! Maligaya! Anim pa oh" -kondoctor.
Pumasok na kami at nagtabi sa pag-upo.
"So anong trabaho mo dito?" -tanong nya
"Kitchen helper sa isang resort" -sagot ko
"Saang resort?"
"Aqua Paradise ba yun!"
"Sana makapunta ako dun"
Hindi ko maintindihan kung bakit pero naakit ako sa ngiti nya at bumibilis ang pintig ng puso ko.
Parang lagi akong nanginginig pag kausap sya.
Kinuha nya ang wallet nya.
"Manong dalawang maligaya po. Kanto 4 lang ang isa" -aniya sabay abot ng bente pesos sa katabi ko at inabot katabi sa unahan.
"Ba't dalawa?" -pagtataka ko.
"Libre na kita, ayaw mo pa?"
"Pero may pambayad ako!"
"Ano gusto mo libre o singilin kita ng triple?"
"Hahaha thank you ah" she smile at me at tumanaw sa bintana.
"Manong sa tabi lang po!" -aniya
Ilang sandali pa ay papatayo na sya, sa di maipaliwanag na dahilan ay pinigilan ko sya sa pagitan ng paghawak sa kamay nya.
"Sandali lang" -ani ko at nagtaka sya.
Parang may kuryenteng dumadaloy sa mga kamay namin.
"Anong pangalan mo?" -tanong ko
"Hay nakuh, bat ngayon mo lang tinanong?" -naiinis na turan nya.
"Mikaela Sanches, Mikay na lang"
"D-Dennis Del Rosario" -she smile at huminto na ang jeep at agad syang bumaba.
"Ingat ka" -aniya at kumaway.
Nagpatuloy ang pag-andar ng jeep at agad kong nakita sa Vince sa may babaan kaya't mabilis akong bumaba ng huminto ang jeep.
"Pare ko'y" -sabay naming sabi at nagyakap habang tumatalon. Para kaming mga bata.
"I miss you pare ko'y" -ani ko at kumalas kami sa pagkakayakap.
"For sure, matutuwa sila mama pag nakita ang gwapo nyang inaanak" -aniya na nambobola.
"Tssk. Wag ako" -ani ko.
"Syempre mas gwapo ako" -aniya at inakbayan ako habang naglalakad.
[At Vince House]
*Tok tok tok* Doors open.
Si Janice ang bunso nila, she's 14yrs old.
"Ma may bisita ka!" -ani ni Janice
"Papasukin mo" -sigaw ni ninang Rossana.
"SURPRISE" -masayang ani ni Vince
Tumigil si ninang sa paghuhugas.
"Nakuh, inaanak ko" -aniya at yinakap ako kahit may sabon pa ang kamay.
"Halika, ma-upo ka" -alok ni ninang at ginawa ko agad. Naghugas muna sya ng kamay
"Kumusta kayo ni mareng Cecilla" -tanong ni ninang ng magkaharap kami sa mesa.
"Maayos naman po kaso gipit. Kaya habang wala pang pasok. Magtatrabaho muna ako" bumuntong hininga ako
"Tapos si aling Brenda pa lagi naniningil"
"Hay, wala talagang pinagbago yang si Brenda" -ninang sigh
"Oo nga po. Kundi lang nademolish yung dati naming tinitirahan, hindi sana kami nangungupahan" -ani ko na medyo frustrated
"Lalo na't nay maintenance si nanay, tapos sina Hannah nag-aaral pa" ako kasi ang panganay samin.
"Alam mo kung buhay lang ang papa mo, hindi nyo daranasin ito" -nakaramdam ako ng lungkot sa turan ni ninang.
Namatay si tatay dahil sa sakit sa puso matapos ang celebration ng highschool graduation ko.
Madiskarte, masipag at may integridad si papa higit sa lahat may pangarap.
Nangarap sya makapagtayo ng restaurant na kikilalanin sa buong Pilipinas noon.
At noong nawala sya, nangako ako na tutupadin ko yun para sa kanya.
[10:00 Pm]
"Oh papa, mabuti at nakauwi kana" -ani ni ninang
"Magandang gabi po ninong" ani ko at nagmano
"Akalain mo nandito ang gwapong inaanak ko. Parang ninong nya" -biro nya
"Magtigil ka nga papa" saway ni ninang
"Kontrabida ka talaga mama. Mamayw ka lang bago matulog. Magtutuos tayo" -ninong
"Baliw ka, ang tanda mo na napakahilig mo pa din" -ninang
"Sus, ikaw ka kala mo teen-ager kung umungol" -ani ni ninong na natawa ako.
"Susme Antonio, kumain kana mahiya ka sa inaanak mo" -galit na turan ni ninang.
"Nakuh ma, pag masaya ka 'Papa' tawag mo. Pagka-galit Antonio talaga?" -ninong
Napangiti ako. Ganyan din sila nanay at itay ka-sweet dati.
Matapos kumain ni ninong ay nag-usap kami sa may sala.
"Oh sya inaanak, bukas sasama ka sakin ha. Para makausap kana ni head chef at ng manager"
"Opo ninong"
"Wag ka mag-alala Filipino dishes lang yun. Kailangan mo lang kabisaduhin ang twists. Naniniwala akong makakasabay ka"
"I'll do my best ninong"
"Naman, NC III holder ng commercial cooking eh, tapos NC II holder for barista at FNB eh" -aniya at ginulo ang buhok ko
"Thank you po"
"Proud ako sayo. Para kang si tatay mo" nakaniting turan nya
"Oh sya, tatabi na ako kay ninang mo." -pilyong turan nito
May dinukot ako sa wallet
Gamitin nyo po" -ani ko
"Teka nak, ba't may ganito ka?"
"Pampadami daw po ng pera, hindi naman effective"
"Thank you nak sa TRUST"
[Kinabukasan sa resort]
"Goodmorning sir Jon" -pagbati ni ninong at humarap ito pero nakaupo padin.
"Yes daddy chef?" -sir Jon. Isa syang beki.
"Sya si Dennis ang inaanak ko. Sya yung magiging reliver ko for 2months" -ani ni ninong.
Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.
Mula paa at huminto ang tingin nya sa middle part ko.
Oo nga pala nabasa ang pantalon ko kaya naka-fitted slacks ako.
Bakit ba kasi bumabakat ito? Hirap kapag pinagpala.
"Daddy chef sigurado kana sa bakasyon mo?"
"Opo sir matagal na akong hindi nakakauwi sa provinsya. Kailangan ko asikasuhin ang lupain namin doon" mababang tono ni ninong
"Ano sir pasado ba?"
"Muka naman syang malusog. I mean physically fit." He look at may body "at mukhang masarap, magluto. Train him" -sir Jon
"Makakaasa kayo sir" -ninong
"Actually chef balak ko sya ilagay sa front of the house (team service) because of his looks. Kaso kulang ang back of the house (production)"
Ngayon ay nagsimula na ang training ko. Hindi man ako komportable kay sir Jon pero kailangan eh.
Syempre ang first duty gumugulong at nangangamote.
But ninong to the rescue, kahit kapag umuuwi kami ay tinuturuan nya ako.
[After 1 week]
Kabisado ko na ang procedure, recipe, dahil kay ninong at head chef. Kinabisado ko din ang twist kada gabi at masusing pinapanood ang kasamahan.
Time comes at last day na si ninong at approve na ang leave nya.
"Inaanak babyahe ba ako bukas, show me what you got" -ninong
"Syempre before duty clean the work place" at nilinis ko station ko.
"Always apply FIFO ( Firs In First Out)" then I check ingridients date. First order first out.
"Ensure food safety. Be aware at temperature of product" at tinusok ko yung pancheck ng temperature ng pagkain na ise-serve
"Slowly but surely pero dapat medyo hassle para di matambakan"
"Be kind and loving co-worker. Remember we are team not solo game"
Labis na natuwa si ninong noon.
[Kinabukasan]
Hinatid na namin si ninong sa sakayan.
"Pa, mag-ingat ka lagi. Tatawag ka" -ninang
"Susme, Bulacan lang ako at hindi pa Saudi" -ninong
"Pa wag kalimutan pasalubong" -Vince
"Inaabak do a great job" -ninong and he thumbs up
"Opo" -nagthumbs up din ako at sumakay na sya.
Napatingin ako sa langit
Sana tatay nandito ka din. Sana buo pa tayo.
"I miss you tay, I love you" -bulong ko.
Humangin ng malamig at dumampi sa balat ko na tila yakap.
"Pre tara na may duty kapa mamaya" -paalala ni Vince
"Sige pre, papunta na ako"
Tumingin ako sa langit at tsaka muling lumakad.
Magpapatuloy ako tay, at tutuparin ko ang pangarap nyo. Pangako yan.
Mahal na mahal ko kayo.
To be Continued