Napangiti si Aidan nang makita ang dalagang nakatulog na sa pagod at kalasingan. Nakabuka pa ito at umaagos pa mula sa namumulang lagusan nito ang masaganang katas na inihandog niya rito kanina. Maingat niyang pinunasan ng tissue ang namumulang litle girl nito na pinanggigilan niya at inalis ang katas niyang umaagos pa. Nang malinis na niya ay dumukwang siya at kinintalan ng masuyong halik ang langit nitong nakalantad sa harapan niya. Napangiti siya ng kumislot ang dalaga ng dumampi ang labi niya sa ari nito. Gumalaw ito at itiniklop ang tuhod, itinago ang langit sa kanya. Dismayadong napalatak siya ng mawala na sa paningin ang langit. Napangiting napailing na lang siya sa sariling kalokohan. Aminado siyang malakas ang libido niya, at may pagkakataong namamanyak niya ang dalaga. Hindi niya mapigilan ang sarili, lalo't nasabik siya sa s*x life na nawala sa kanya kahit pa may asawa siya. Nakakaakit at nakakagana ang alindog nito kahit di naman iyon ipinangangalandakan ng dalaga. Matino itong magdamit, at bibihira niyang makitang nakashort ito. Lagi na'y nakapajama o kaya ay pantalon ito. Kahit leggings ay hindi rin ito nagsusuot. Napabuntung hininga siya at tinapos na ang ginagawa dahil kung magtatagal pa siya'y baka humirit pa siya ng isa kahit tulog na ito.
Binilisan niya ang kilos para matapos na niyang linisin ang dalaga at maiayos na ito.Kinumutan niya ito at hinayaang mahimbing. Kinintalan niya ng masuyong halik ang labi at noo nito. Hindi niya maipaliwanag ang sayang bumabalot sa puso niya ng mga sandaling iyon dahil tinugon na siya ng dalaga. Alam niyang mali ang relasyon nilang dalawa, pero halos ikasira naman ng katinuan niya ang umiwas at iwaksi ang nararamdaman. Napabuntunghininga siya. Tuloy ay parang gusto niyang pagsisihan na masyado niyang minadali ang pag aasawa, gayong makikilala pa pala niya si Jaezelle. Wala na siyang magagawa pa para sa sitwasyon nila. Masama, pero hindi niya maiwasan ang sariling humiling na sana ay magkaroon ng katuparan ang pag iibigan nila. Pamilyado na siya,may asawa't anak, pero iba ang naramdaman niya para sa dalaga na kahit minahal niya ang asawa ay kahit kailan naman ay hindi niya naramdaman ang ganitong emosyon sa asawa. Kay Jaezelle pakiramdam niya'y kumpleto at buong buo ang pagkatao. Masaya at kuntento siya sa piling nito. Pero sa asawa niya, napabuntung hininga siya. Ang pinangarap niyang masayang pamilya sa piling nito ay hindi nangyari at pakiwari niya'y bigung bigo siya sa piling nito. Hindi niya tuloy maiwasan kung nagkamali nga ba siya sa desisyon noon ng alukin ng kasal ang asawa.
Malungkot na hinaplos niya ang pisngi ng dalagang natutulog. Hindi niya gustong maging kabit ito. Ayaw niyang itago kung ano ang mayroon sila pero hindi niya pwedeng ipagmalaki iyon dahil si Jaezelle ang mahihirapan at magiging kaawa-awa. Ayaw niyang biguin ang dalaga at saktan. Iingatan nalang niya ang relasyong mayroon sila, babawi na lang siya sa dalaga sa ibang paraan. Alam niyang nauunawaan din nito ang sitwasyon nila.
Hinaplos haplos niya ang pisngi nito, pakiramdam niya'y sa bawat pagdaiti ng balat niya sa balat nito ay may dulot iyong kuryente na gumigising at nagbibigay sigla sa buong pagkatao niya. Binubuhay nitong muli ang unti unti nang namamatay na pagkatao niya.
Mataman niyang pinagmasdan ito. Maliit at hugis puso ang mukha nito. Makapal ang mahabang buhok nito na medyo wavy at may kulay na ash-blond sa dulo. Makakapal at malalantik ang mga kilay at pilik mata, bilugan ang mga mata nitong tila laging namumungay at nang aakit, matangos ang maliit na ilong,manipis at mapupulang bow shaped lips. Mataas din ang cheekbones nito. Matangkad ito, curvy at shapely ang hubog ng katawan. Morena ang makinis nitong kutis. Inosente at mabait ang dating nito at magaan itong kasama. Dahilan kung bakit madali niyang nakapalagayan ito ng loob at nauwi sa pag ibig.
Inayos niya ang kumot sa katawan nito at nang akmang tatabihan na niya ito ay bigla namang tumunog ang cellphone niya. Lihim siyang napamura, gusto na niyang tabihan at yakapin ang dalaga pero parang may hahadlang na naman sa simpleng kagustuhan niya ng mga sandaling iyon. Tiimbagang na nilapitan niya ang pantalong nasa sahig kung nasaan ang kanyang cellphone. Hindi na rin siya nag abala pang tapisan ang sarili at hinayaan nakalantad ang katawan.
"Hello," halata sa tono niya ang inis ng sagutin niya ang tumatawag. Si Kevin, kaibigan at co-owner ng kanyang construction companies. Napabuntung hininga siya. Kahapon pa siya nito iniistorbo, ang oras na dapat na nakalaan para sa kanila ni Zae ay ginagambala at inuubos nito. Kaunti na lang ay talagang makakatikim na ito sa kanya.
"Sorry, brad, alam kong espesyal ang oras mo ngayon pero kailangan mo talagang marinig ito," panimulang bungad nito. Napakunot noo siya at agad sumeryoso ang mukha niya.
"Go on, then," tugon niya. Lumingon siya sa kama para siguruhing hindi niya naiistorbo ang dalagang nahihimbing doon. Kumuha siya ng bagong pair ng boxer sa closet at nagmamadaling isinuot habang pinakikinggan ang sinasabi ng kaibigan sa kabilang linya. Lumabas siya ng kwarto at tumungo sa kitchen.
Natigil siya sa paglakad papasok ng kusina at mahinang napamura.
"You're telling me, matagal nang pinagnanakawan ang kompanya ng wala tayong kaalam alam for the last four years?" hindi makapaniwala balik niya sa kausap.
"Yes it seems like it," tugon sa kabilang linya.
"How much did we lose?" tiim bagang na tanong niya.
"Estimated would be around 500 million and still counting."
Nangilabot siya sa narinig at hindi napigilang mapamura. Tulad niya, alam niyang tensiyonado at galit rin ang kausap dahil sa nalaman nila. It was their very own company after all. Itinayo nila mula sa dugo at pawis nila, at ngayon ay malalaman nilang ninanakawan sila right under their noses.
Humugot siya ng malalim na hininga at kinalma ang sarili.
"We'll keep investigating this matter, Aidan, kung kinakailangang balikan ang mga past financial reports then so be it, we need to stop it and find out who was behind this," madiing wika ni Kevin sa kabilang linya.
"Of course, we have to," bigay permiso niya. Hindi siya makapapayag na ang kumpanyang pinagtulungan nila at pinaghirapan ay mauuwi sa wala dahil lang sa magnanakaw na iyon.
Bumuntung hininga ang nasa kabilang linya. "We'll be working our asses off or we'll be doomed," hinanaing nito. Naunawaan niya ang pinag aalalahanan nito. Hindi ito katulad niya na lumaki sa prominente at mayamang pamilya. Lumaki sa hirap ito, nagsumikap at sumugal sa kompanyang pinangarap nilang dalawa. Engineer ito samantalang Architect siya. Pareho silang top of their careers at isinakatuparan nila ang plano nila simula pa noong nasa highschool sila.
Mahalaga para dito ang kompanya nila, lalo't ito ang ginawa nitong pananggalan para ilaban at protektahan ang mag ina nito laban sa mga matapobreng angkan ng asawa nito. Nauunawaan niya kaya nag aalala rin siya para dito.
"Is everything alright?" tanong niya.
"Sa ngayon okay pa," halata sa tono nito ang pagkadismaya.
"Hey,-" pinutol siya nito.
"Okay lang, brad. Malalampasan natin ito," ito pa talaga ang nagbigay ng assurance sa kanila.
Napabuntung hininga na lang siya. Ayaw nitong mauwi sa pamilya nito ang usapan kaya itinigil na niyang mang- ungkat.
"Dy, akala ko ba kakain tayo sa labas? May kausap ka na naman d'yan, e," narinig niyang maktol ng batang lalaki sa kabilang linya.
"Tinawagan ko lang saglit ang Tito Aidan mo," sagot dito ni Kevin. Napangiti siya ng makilala ang boses ng sampung taong gulang na anak nitong si Kyle.
"Tito Aidan?"
"Yes," sagot dito ng ama.
"Pag usapan na lang natin muli sa opisina bukas," pagtatapos na nito sa tawag nila.
"Tito Aidan!" napangiwi siya sa malakas na tawag ni Kyle sa kanya sa kabilang linya.
"Bata ka! Bakit ka sumisigaw?" pagalit na usisa dito ni Kevin. Malamang nabingi din ito sa malakas na boses ng anak lalo't tila lumapit pa yata ito sa ama para tawagin siya sa kabilang linya.
"Si Sha-sha pinaiyak na naman ni Kryz kanina! Inaawat ko na ayaw pang tigilan ng bruha mong panganay!" malakas na sumbong nito.
"Umayos ka ng salita mo," saway dito ni Kevin.
Bruha mong panganay, napangiwi siya sa description nito sa anak niya. Hindi lingid sa kanya na mas pabor si Kyle sa bunso niya kesa sa panganay niya. Maganda ang panganay niya, kaya lang ay napaka maldita. Kaya tuloy laging nagbabangayan si Kryzsha at Kyle. Napailing na lang siya sa narinig. Kawawa talaga ang bunso niya kapag wala siya sa bahay at wala rin Jaezelle. Yaya kasi ito ng bunso niya.
"Sige na, Aidan. Sa opisina na lang uli," wika ni Kevin
"Yeah," tugon niya.
"Then I'll be giving back your precious time now, baka nakakaabala na ako sa moment mo," makahulugang litanya nito at pag iiba ng topic.
"Ulol," hindi niya napigilang tugon sa kausap na ikinahalakhak lang nito.
Natatawang napahilot na lang siya sa sentido habang hinihintay matapos ang hagalpak na tawa ng sira ulong kaibigan.
"Mag ingat ka lang, 'pre," seryosong payo pa nito.
"Thanks," tanging naitugon na lang niya bago nagpaalam at pinatay na ang tawag.
Napailing na lang siya sa payo nito. Hindi naman lingid sa mga kaibigan niya ang kasalukuyang sitwasyon niya. Alam ng mga ito pati na ang lagay nilang mag asawa. Napapailing na lang siyang pumasok ng kusina at kumuha ng tubig sa ref. Inisang lagok ang bottled water at itinapon sa trash bin.
Muli siyang napaisip sa isyung kinakaharap ng kanyang kumpanya. Embezzlement ng slush fund ng kumpanya na hindi nila agad napansin at umabot pa ng apat na taong mahigit. Just who had the nerve to steal right in front of them? Kevin and him had become a total idiot for not finding that out sooner. They've been up and about for over a week now sorting that mess out.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata, at nag breathe in and out exercise na itinuro sa kanya ni Jaezelle to try to calm his raging nerves. Hindi matatapos nang madalian ang problemang ito because it's been happening for over four freaking years. He has to stay calm, focus and had a lot of patience to see this thing through to the end. Or else baka mauna pa siyang matapos keysa sa problema dahil sa sobrang stress at pressure. They still have to find and shut the perpetrators behind bars at maibalik ang mga nawawalang pera ng kompanya.
Bumuntung hininga muli siya at nang maikalma na niya ng sarili ay muli siyang bumalik sa kwarto. Bumili siya ng sariling condo para may sariling lugar sila ni Jaezelle tuwing day off nito. Ipinangalan niya rito gamit ang sarili niyang pera na hindi nalalaman ng asawa. Hindi pa nga lang alam ni Jaezelle dahil ngayon pa lang niya ito nadala dito at nakatulog agad pagkatapos ng mainit nilang sandali. Napangiti siya ng maalala ang kakatapos lang nilang lovemaking. Parang siya na ang pinakamasayang lalaki ng mga sandaling iyon ng buung-buo na siyang tinanggap ng dalagang iniibig. Hindi naman niya masisisi si Jaezelle kung noong una'y hirap itong tanggapin siya. Sadya lang malaki ang junior niya at kung susumahin ay nasa teen state pa lang ang dalaga. Nineteen pa lang ito for pete's sake samantalang siya ay twenty-nine na. Maliit pa ang little girl nitong nagtatago sa pagitan ng mahahaba at mabibilog nitong hita.
Napalunok siya at inalis ang isipan sa maalindog na katawan ng dalaga na natatakpan lang ng makapal na kumot sa harapan niya. Binabalot na naman ng mainit na pagkasabik at pagnanasa ang buong pagkatao niya para sa dalaga. Ayaw muna niyang gambalain ang tulog nito, mamaya na lang siya babawi hanggang bukas. Babawi siya sa nasayang na oras na nakalaan dapat para sa dalaga.
Lumamlam ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang maamo at inosenteng mukha ni Jaezelle. Mahimbing pa rin itong natutulog. Tila ba agad naglaho ang anumang alalahanin niya habang pinagmamasdan ang magandang mukha nito. Umupo siya kama at maingat na tumabi dito. Ipinatong niya ang braso niya sa tiyan nito katabi ng kanang braso nitong nakapatong din sa tiyan nito at pinagsalikop ang mga palad nila. Isiniksik niya sa ulunan nito ang braso niya para iunan sa ulo ng dalaga. Napaungol ang dalaga at bahagyang gumalaw, naabala ang tulog dahil sa ginagawa niya. Hinalikan niya ang sentido nito at marahang hinaplos ang buhok nito. Wala siyang pakialam kung maabala pansamantala ang dalaga, basta gusto niyang makayakap ito ng mahigpit sa pagtulog. Pangalawang beses na makasama niyang matulog ang dalaga, at dahil nakaw at panandalian lang ang bawat saglit na kapiling niya ito ay gusto niyang lubusin at sulitin ang bawat sandali nila. Hinapit pa niya ito para mas lalong idikit pa sa katawan niya at nang makuntento ay isinubsob niya sa buhok nito ang mukha at nakapikit na sinamyo ang bango nito. Ilang sandali pa ay hinila na rin siya ng antok at kuntentong nakatulog habang nasa bisig niya ang dalagang minamahal.