MBIMSL~Chapter28 Max's Point Of View Nakahiga ako ngayun sa kama ko at nakatingin lang sa kisame, ilang araw na din kaming hindi nag kikita ni Stacey, naiintindihan ko naman yung pinagdadaanan niya, hindi ko siya mapuntahan sa bahay nila dahil nung nag try naman ako hindi ako pinapapasok ni Dwight. habang nasa kalagitnaan ako sa pag tulala, biglang nag ring yung cellphone ko, agad akong napa upo at tinignan agad ang screen ng cellphone ko, medyo nadismaya ako dahil ang akala kung tumatawag ay si Stacey, ngumit hindi siya ito kung hindi si Step, sinagot kona ang tawag. "Hello pwede ba tayo mag kita ngayun may gusto lang akong sabihin itetext ko sayo kung saan!" sumang-ayon ako, hindi na ako nag tanong pa kung bakit, dahil alam ko hindi sya basta basta makikipag kita sakin kung wala itong

