CHAPTER 14🌼

1186 Words
MBIMSL~Chapter14 Stacey's Point Of View Pumasok na ako agad sa bahay feel ko sobrang pagod na pagod ako ngayun araw nato. Pag pqsok ko agad hinanap ng mata ko si kuya wala ba siya dito? Sinara ko yung pinto maya maya nagulat ako ng may bigla yumakap sakin alam ko si kuya yun halata sa amoy nang pabango. "San kaba galing kanina pa ako nag hihintay alas syete na sabi mo sakin maaga ka makaka uwi tinawagan kita pero hindi mo sinasagot nag aalala ako." Naka inom ba si kuya? Bakit amoy alak siya. Humarap ako kay kuya at halata nga lasing siya dahil mapungay na yung mga mata nya. "I'm sorry kuya may pinuntahan lang ako, hindi na mauulit at bakit kapala uminom? May problema ba kuya?" Tumingin siya sa mismong mata ko bakit ganto na naman si kuya kinakabahan ako pag ganto siya. "San ka pumunta? Sino kasama mo?" Tumingin din ako mismo sa mata ni kuya. "Sinamahan ko si Eunice kuya sa bahay nila." Hindi pwede malaman ni kuya na galing ako sa bahay nila max alam ko magagalit siya kahit malaman niya na dahil lang kay tita kaya nandun ako. "Sige matulog kana." Ano nang yayare kay kuya natulala ako dito sa kinatatayuan ko bakit bigla na lang siya naging ganun iniwan nya ako mag isa dito bigla na lang sya umakyat. Tsk napaka moody talaga bahala nga sya dyan. Umakyat ako sa kwarto at humiga di mawala sa isip ko kung bakit naging ganun na lang yung reaction ni kuya bigla bigla nang iiwan ganun ganun na lang papatulugin nya na lang ako agad napaka ano talaga nakakainis. Hindi ako maka tulog kaya lumabas ako ng kwarto pupunta ako kusina sobrang tahimik ng bahay pag baba ko sa hagdan tumingin ako sa orasan alas dos na pala hayst bakit ba hindi ako makatulog nakakainis. Pupunta na sana ako sa kusina ng may narinig ako kalabog kinakabahan ako hala baka may mag nanakaw aakyat na sana ako para katukin si kuya ng bigla may narinig ako boses what the hell si kuya ba yun? "Bakit kailangan mo mag sinungaling sakin." Tinignan ko lang si kuya naka upo sya tapos naka yuko at may hawak na baso may lamang alak ano oras na umiinom pa din siya. Wait sino tinutukoy nya nag sisinungaling babae na naman nya siguro yun hayst parang broken si kuya kung titignan inlove naba siya? Hayst bahala nga siya jan matutulog na lang ako lalakad na sana ako ng bigla siya ulit mag salita. "Stacey bakit kailangan mo mag sinungaling bakit." What the ako pala yung tinutukoy ni kuya nag sinungaling ba ako? Kailan hala baka alam ni kuya na hindi talaga si eunice yung kasama ko. Lalapit ako kay kuya gusto ko mag sorry sakanya. Nag lakad ako sa papunta sakanya at huminto sa harap nya maya maya nag angat siya ng tingin sobrang pungay ng mata ni kuya halatang lasing na lasing na siya kinuha ko yung baso at nilapag yun. "Tama na yan kuya lasing na lasing kana oh hahatid na kita sa kwart mo." Hinawakan ko siya sa kamay at inalalayan ko siya para makapag lakad di naman ako masyado mahirapan kasi nadadala naman ni kuya yung sarili nya. Pag akyat sa taas binuksan ko yung pinto ng kwarto niya at hinanap yung switch ng ilaw medyo nahihirapan pa ako kasi medyo bumibigat na si kuya hindi na nya siguro kaya kaya ganun. Nung nahanap ko nag on na yung ilaw medyo magulo yung kwarto ni kuya tsk napaka burara talaga. Pag higa ko kay kuya natumba ako sa dibdib niya s**t bat ba ako kinakabahan. Tatayo na sana ako ng bigla nya ako yakapin ng mahigpit medyo nagulat ako sa ginawa ni kuya pinipilit ko tumayo pero di ako maka tayo. "Please stacey kahit ngayun lang." Huminga ako ng malalim at hinayaan siyang yakapin ako. Nabalot ng katahimikan yung buong kwarto ni kuya naka yakap pa din siya sakin nung naramdaman kona na medyo hindi na mahigpit yung pag kakayakap ni kuya sakin inalis kona yung kamay nya na nakayakap sakin at dahan dahan tumayo. Lalabas na ako kuya matulog kana. Mag lalakad na sana ako palabas ng biglang mag salita si kuya. "Bakit kailangan mo mag sinungaling?" Napaharap naman ako kay kuya naka upo na sya at naka tingin mismo sa mata ko nakipag titigan naman ako kay kuya. "Anong ibig mong sabihin kuya?" Hindi siya nag salita pero naka titig pa din sya sakin inisip ko naman kung ano nagawa ko ako pala yung tinutukoy nya kanina na nag sisinungaling hala baka nakita nya na hinatid ako ni max what the hell. "Kuya kung yung kanina yun sorry." Napayuko ako. "Bakit kailangan mo mag sinungaling? Ano ginawa nyo at bakit mag kasama kayo ni Max, bakit kailangan ihatid kapa nya dito, diba niloko ka niya bakit kailangan mopa sya makasama." Napahinga ako ng malalim alam ko kasalanan ko kung bakit nagagalit si kuya. "I'm sorry kuya sumama lang naman ako sakanya kasi nakita ako ni tita hindi ko siya matanggihan niyayaya niya ako kumain sa bahay nila nahihiya naman ako hindian kasi kahit paano naging parte sila ng buhay ko," nakita ko naman na medyo huminahon na si kuya pero may pag dududa padin sa kanyang mga mata kaya inunahan kona sya parang may ibang ibig sabihin yung mga tingin nya. "Kung iniisip mo kuya wala ibang nang yare pag tapos namin kumain uwi na ako at hinatid nya lang ako yun lang." Nakita ko naman na tumango tango si kuya. "Mas ok na yung sigurado ayoko na ulit na makikita kang sasakay sa kotse ng lalakeng yun kung gusto mo umalis o mag pasundo ako ang tawagan mo at kung may pupuntahan kang importante sabihan moko nag aalala ako sayo mamaya kung mapaano ka hindi hindi ko talaga mapapatawad sarili ko." Napangiti naman ako kahit na sobrang babaero ni kuya hindi hindi talaga maalis yung pagiging maalaga at maaalahanin sakin. Tumango na lang ako. "Aalis ako mamaya kung may kailangan ka itext moko kung ayaw mo mag isa papuntahin mo mga kaibigan mo dito." ha aalis si kuya san naman kaya siya pupunta. "San ka pupunta kuya?" Napatingin naman siya sakin. "Sa condo ko may sisilipin lang ako basta i text moko o tawagan pag may kailangan ka sige na matulog kana ano oras na." Tumango na lang ako at tumalikod pag labas ko dumiretso na ako sa aking kwarto humiga ako sa kama ko medyo inaantok na ako, habang nasa kala gitnaan ng pag mumuni muni ko biglang nag ring yung phone ko tinignan ko kung sino yung tumatawag si mommy agad ko itong sinagot. "Hello baby kamusta kayo jan ni kuya mo pasensya na baby ha kung dipa maka uwi si mama pero anak hayaan mo marami kang pasalubong." Nakaka tampo talaga si mommy at daddy sobrang tagal nilang umuwi. Nag kwento lang si mommy ng kung ano ano at talagang inaantok na ako kaya naman nag paalam na ako kay mommy at binaba kona ang aking cellphone at pumesto na ako para naman maka tulog na ako. ~MBIMSL
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD