MBIMSL~Chapter10
Max's Point Of View
Nandito ako ngayon sa clinic kakatapos lang gamutin yung mga sugat ko, hinihintay ko na lang na matapos yung isang oras para pwede na ako maka uwi, kanina ko pa gusto lumabas sa clinic na to pero hindi nila ako pinapalabas kailangan ko daw ipahinga yung mga sugat ko inip na inip na ako dito gusto ko ulit maka usap si Stacey.
Dinilat ko ang aking mata dahil naramdaman ko na may humawak sa balikat ko, naka tulog pala ako.
"Max are you ok? Na kwento sakin ni Stacey yung nangyare." Eunice Said.
Ngumiti lang ako, napatingin ako sa bintana bigla nahagip ng mata ko si Stacey na dumaan, yumuko ako sa harap nila at lumabas sa clinic hinanap ng aking paningin si Stacey, Gusto ko talaga siyang makausap.
Habang abala ako sa pag hahanap kay Stacey may bigla yumakap mula sa likuran ko.
"Max I missed you so much."
Napasinghap ako dahil sa inis tinanggal ko yung kamay niya na naka yakap sakin at hinarap siya.
"Please Leslie wag ngayon tatawagan na lang kita umuwi kana." Tinalikuran ko na siya at tinuloy ko ang pag hahanap kay stacey, hindi kalayuan nakita ko sya naka talikod wala na ako sinayang pa na oras lumapit ako at niyakap sya patalikod.
"Baby I miss you so much sorry please mag usap naman tayo, gusto ko lang sabihin sayo yung side ko please." Hindi ko na napigilan yung mga luha ko na pumatak sobrang miss kona si stacey, tinanggal niya ang pag kakayakap ko sakanya at humarap siya sakin.
"Max ilang beses ko ba sasabihin sayo wala na tayo malinaw na sakin niloko mo ko tama na Max wag mo na saktan pa yang sarili mo para sa’kin ayoko na tama na please tigilan mo na ako."
Tumatagos sa puso ko ang bawat salita binibigkas ni stacey sobrang sakit, lumuhod ako sa harap nya.
Please baby wag mo kong iwan.
Stacey's Point Of View
"Max ilan beses koba sasabihin sayo wala na tayo malinaw na sa’kin na niloko mo ko tama na Max, wag mo na saktan pab yang sarili mo para sa’kin. ayoko na tama na please tigilan mo na ako." Pinilit ko na wag mautal sobra sobra na ang sakit na nararamdaman ko ayoko na ulit madagdagan pa. Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko.
"Please baby wag moko iwan." Gusto gusto ko siyang sampalin dahil sa sobrang sakit na pinaparamdam niya sakin, tumingin ako sa ibang direksyon para hindi niya makita ang pag tulo ng aking luha.
"Hindi na kita mahal Max." Pinilit kong hindi humikbi nilakasan ko ang loob ko para ipakita sa kanya malakas ako, naramdaman ko tumayo siya at bigla hinawakan ang baba ko at hinarap sa kanya ang aking mukha, tinitigan niya ako sa mismong mata. Ibang-iba ang Max na’to sa Max na nakilala ko wala kang makikita katapangan parang isang kawawang bata ang nasa harap ko gusto ko man sya kaawaan pero lumalaban parin ang aking galit.
"Stacey sabihin mo ulit yung mga sinabi mo humarap ka sakin sabihin mo na hindi mo na ako mahal sabihin mo mismo sakin." Nangatog ang aking tuhod pero pinilit ko pa rin lumaban sa kanyang tingin.
"Hindi na kita mahal tigilan mo na ako. Kahit sobrang hirap sinabi ko mismo sa kanya ang katagang yan," bumitaw siya sa’kin at bigla lumakad palayo sa akin. Ngayon ko nalabas ang kanina ko pa pinipigilan ang mga luha.
Napa luhod ako sa sobrang pang hihina ang sakit sakit bakit ko ba ‘to nararamdaman hindi dapat mali to niloko niya ako. Humagulhul ako na parang bata, biglang dumating si Eunice at inalalayan ako tumayo. Mag tatanong sana siya pero bigla ko siyang niyakap at sa kanya umiyak ng umiyak.
Eunice's Point Of View
Naka tulog na si Stacey sa sobrang kakaiyak nag pa sundo na kami kay Dwight sobrang nakaka awa yung itsura ni stacey ngayon magang maga ang kanyang mata, hinaplos ko ang kanyang mukha alam kung sobra siyang nasasaktan andito ako na kaibigan niya para sakanya.
"Si Max na naman ba yung dahilan kung bakit nag kakaganyan si Stacey?" -Dwight
"Oo, Nag usap sila kanina tuluyan na talaga niyang iniwan si Max, sobrang nasasaktan ngayon si Stacey dahil sa desisyon niya." Napabuntong hininga na lang ako, wala naman ibang dahilan para mag kaganto si Stacey hayys.
"Dapat lang naman talaga niyang iwan yun simula pa lang ayoko na dun sa lalaki yun, simula lang naman yan makakalimutan din yan ni Stacey." -Dwight
"Sana nga Dwight makalimutan niya agad, ayoko nag kakaganto yung kaibigan ko, pero alam ko nasasaktan din naman ngayun si Max." Nahahati din kami dahil pareho namin silang kaibigan pero ramdam naming lahat Kung gaano mas nag sasakripisyo si Stacey dahil sa mga nangyayari.
"Dapat lang yun sakanya." -Dwight
Hayyyssss yung dalawa kung kaibigan ngayon pareho nasasaktan. Nasasaktan din ako kasi kaibigan ko si Stacey pero hindi ko din magawa magalit kay Max dahil kaibigan ko din siya.
"Niloko niya kapatid ko at kaibigan mo ang kapatid ko, dapat magalit ka sa kanya dahil hindi naman mag kakaganyan si Stacey kung hindi dahil sakanya." -Dwight
Napabuntong hininga na lang ako sana maayos na’to sana matapos na lahat ng sakit na nararamdaman ng mga kaibigan ko nakakalungkot na ang dating masaya ngayon sobrang lungkot na grabe na apektuhan ng nangyare ngayon sobra halos lahat nalulungkot sa mga pangyayari hindi pa din naman namin napapakinggan ang side ni Max dahil na din sa kadahilanan na hindi namin maiwan si Stacey dahil kahit san naman titignan si Stacey yung mahina kaya mas kailangan nya kami.
~MBIMSL