MBIMSL~Chapter12
Stacey's Point Of View
Nasa Mall kami ngayun at gusto ng mga kaibigan ko manood ng Cine, medyo tinatamad na ako kasi kanina pa kami lakad ng lakad, sumasama lang ako sa kanila kasi ito din yung gusto nila, naiintindihan ko naman ang mga kaibigan ko gusto lang nila ako mapasaya kaya thankful ako kay God na sila yung mga naging kaibigan ko.
"Bibili na ako ng popcorn" Ken said.
Tumango na lang kami wala ako idea kung ano panunuorin namin wag naman sana Horror medyo matatakutin kasi itong mga kaibigan ko nag mamatapang lang nung nag movie marathon kami sa bahay halos sigaw na lang nila ang marinig sa buong bahay ayoko mang yare yun dito mismo sa sinehan medyo nakakahiya yun.
Nang nabili na ni Ken yung popcorn pumasok na kami sa sinehan medyo madami din tao buti na lang di kami late dahil hindi pa nag sisimula yung palabas, umupo kami sa aming upuan nung naka upo na kami medyo naging komportable ako kasi medyo masakit na din yung paa ko dahil nga kanina pa kami lakad ng lakad mag shopping sana kami kaso wala naman ako magustuhan na gamit na bilhin kaya ayun puro sunod lang ako.
Maya maya nag simula na yung palabas naka tutok lang ako ng nasa pinaka gitna na yung movie medyo hindi ko mapigilan maluha nakakaiyak pala tong movie na’to medyo mahina ako sa movie na nakakaiyak dahil hindi ko talaga mapigilan na maiyak si Eunice at Thana rinig na rinig yung hikbi nila mamaya may nag bigay sakin ng panyo kaya tinignan ko ito yung lalake pala katabi ko na hindi ko kilala.
May biglang pumasok sa isip ko naalala ko yung first time namin manuod ni Max unang una namin pinanuod ay nakakaiyak din medyo nakaka hiya ako dun dahil grabe iyak ko pero dahil sa sobrang sweet nya hindi ako nag mukang nakakahiya, naramdaman ko bigla kung namiss si Max.
Bumalik ako sa ulirat ng biglang punasan ng lalaki yung luha pumatak sa pisnge ko.
"Ayaw mo kasi kunin kaya ako na lang nag punas. Kinuha ko yung panyo."
"Thank you." binalik ko yung paningin ko sa palabas pero ramdam ko pa din yung tingin niya sakin.
"You look pamilyar, nag meet na ba tayo dati?" Tumingin ako sa lalaki at tinignan mabuti yung mukha niya but hindi ko sya matandaan.
"Sorry but hindi ko matandaan." Tinignan ko sya nang humihingi ng paumanhin alam ko kahit madilim kita nya naman.
"Matthew Buela." Nilahad nya yung kamay nya.
"Stacey Villanos." inabot ko yung kamay nya at nakipag shake hands.
Napatingin ako kay Eunice kasi biglang umiyak sya yung rinig talaga kaya natawa kami ni Matthew. Nang matapos ang palabas lumabas na kami sa sinehan pag labas namin mag lalakad na sana ako ng bigla may tumawag sakin.
"Stacey." lumingon naman ako at nakita ko palapit si Matthew. Naiwan ko mga pala kanina.
Inabot nya sakin yung Dairy ko. "OMG, Thank you very much." kinuha ko yung diary ko sobrang importante to sa’kin dahil lahat na siguro na nangyare sa buhay ko nandito.
Umalis na si Matthew at pag lingon ko lahat ng kaibigan ko nakatingin sa’kin na may panunukso tsk grabe talaga. Nag lakad na lang ako alam ko kung ano ano na naman iniisip nila.
"OMG bess sino yun cute guy na yun?" Thanna said
"Nakilala ko lang sya kanina." Wala ako narinig na nagsalita kaya timignan ko sila. Putek, yung mga mukha nila parang hindi maipinta. Tsk, napaka talaga. tumingin ako sa orasan mag 5 na kaya kailangan ko na umuwi nangako ako kay kuya na uuwi ako bago mag 6.
"Mga bess uuwi na ako nangako kasi ako kay kuya bago mag 6." Nakita ko naman sa mukha nila yung panghihinayang.
"Gusto ka pa sana namin makasama, oo nga pala kailangan pala maihatid ka namin bago mag gabi." Nakita ko naman sa mukha nila yung lungkot kaya ngumiti lang ako.
"Guys may next time pa naman diba, babawi ako sa inyo promise atsaka wag niyo na ako ihatid kaya ko naman no mag enjoy kayo kasi weekend na ok, Enjoy your day, Iloveyou all." Nakita ko naman na nagdalawang isip naman sila kaya bumeso na ako sa kanila at tumalikod sa kanila.
Ayoko kasi masira yung pag eenjoy nila ng dahil sakin, ok lang naman na kahit mag commute mag isa yun naman na gawain ko dati pag gumagala at tumatakas ako kay kuya.
Pag labas ko ng Mall Liliko na sana ako nang may tumawag sakin pag lingon ko nagulat ako nang makita ko kung sino yung tumawag sakin. Si tita, mama ni Max kasama yung sister niya. Agad akong nagmano kahit wala na kami ni Max kailangan ko pa din gumalang kasi naging parte din sila sa buhay ko at pinalaki ako ni mommy at daddy na maging magalang sa nakakatandan sa akin. (hehe ang bait ko diba).
"Tita kailan ka pa po naka balik?" Nasa probinsya kasi sila kaya nakaka gulat na nandito sila.
"Nung nakaraan pa anak, pumunta ka naman ngayon sa bahay sumabay ka sa amin mag hapunan." Tatanggi na sana ako kaso bigla ulit nag salita si tita.
"Ohh ayan na pala si Max, sumabay ka na samin papahatid kita mamaya pag tapos, Wag ka na tumanggi ngayon lang ulit kita makakasama kumain." Tinitigan ko si Max yung titig na kailangan ko na umuwi.
"Ma hindi pwede si Stacey ngayon pagagalitan siya ni Dwight." Tumingin ako kay tita nakita ko naman yung lungkot sa mata nya.
"Pero ngayon lang naman ako nag aya ulit." Hindi pa ba alam ni tita na break na kami ni Max hindi pa rin ba niya sinasabi, hays.
"sige po tita sasama po ako wag na po kayo malungkot." Niyakap ako ni tita ngumiti na lang ako at pumasok sa sasakyan sa passenger ako pinapaupo ni tita.
Habang pumupunta kami sa bahay nila Max puro kwento lang si tita hindi ko siya masyado maintindihan kasi tutok ako sa cp ayaw sagutin ni kuya yung tawag busy siguro siya, may babae na naman siguro siyang kasama.
Hindi ko namalayan na nandito na pala kami. Lumabas na pala sola tita at kami nalang dalawa ni Max ang nandito sa kotse.
"Sorry Stacey medyo makulit si mama." Tumingin ako sa kanya medyo pumayat siya ngayon ‘di katulad dati na medyo nagka laman na siya.
"Ano nangyari sayo?" Hala, na realize ko lang na kung ano yung lumabas sa bibig ko, OMG.
"Medyo hindi ako nakaka kain, namiss ko yung pag aalaga mo sakin." Nailang ako sa pagtingin niya sa akin kaya naman bababa sana ako kaso nakalimutan ko naka seatbelt pa pala ako. Tatanggalin ko na sana at siya na nagtanggal pinipigilan ko huminga, jusko sobrang lapot niya sa akin baka pag lumingon siya baka magtama yung mga labi namin. Nakahinga ako ng maayos ng umayos siya ng Upo.
"Stacey hindi pa kasi alam ni mama na break na tayo, pwede ba ako na lang yung bahala mag sabi." Tumango ako bilang sagot. Tama naman na dapat siya ang magsabi kay tita ang pangit naman kasi kung sisingit ako sa kanila alam ko naman na baka mamaya sasabihin niya na din kay tita yun.
Pumasok na kami sa loob pagdating namin nag hahain na si tita ng mga pagkain naiilang pa ako kasi tinataboy ko si Max tapos ngayon andito ako sa bahay nila. Haaays, ano ba ang nangyayare sa akin ayoko na lang mag isip basta alam ko dahil kay tita kaya ako nandito kay tita lang tama na yun nalang iisipin ko.
~MBIMSL