Nagulat naman si Aki matapos niyang marinig ang boses ni Mr. Forteros dahilan upang napalingon siya. Doon ay nakita niya ang isang makisig na lalaking nakatingin sa kaniya, ang kaniyang mga mata ay malalim ang tingin na para bang may nais na makuha, ngunit sa isip niya ay masyado itong yungib at hindi niya kayang abutin. Malalim ang iniisip ni Aki dahil naguguluhang siya sa mga nangyayari. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malimaw na sagot para sa offer sa kaniya ng isang sikat na CEO ng F Newspapers and Magazines Company, Si Mr. Knight Monte Forteros.
“Hmmmm…?” Mr. Forteros murmured as he saw Aki na nakatingin lang sa kaniya. Halata na malalim ang iniisip nito at wala pa rin sa sarili, ngunit kahit ganoon ay hindi na rin niya mapigilan na malaman ang sagot ni Aki sa offer niya.
“I guess you still don't know what to say, do you, Ms. Aki Rodrigo Salamanca?” Muling saad pa niya na nagpukaw ng atensyon ng babae.
" Oh…" Sagot naman ni Aki at napalingon-lingon sa paligid.
“ I mean, what really do you want from me, Mr. Forteros?"
He walked through side by side, at each corner of the room and from time to time sneered and glared at her…
“Well, simple, Ms. Aki, you just have to pay for what you've done to me. Isn't it obvious?”
Napangiyaw naman si Aki sa kaniyang mga narinig at napatayo…
“Isn't it too much, huh, Mr. Forteros?"
Lumapit ng bahagya si Mr. Forteros and in a sudden, he leapt at Aki’s face, glared at her, to her eyes, and it's cold. So Cold.
“Too much?" Then he said with a low tone.
" Don't you really get it, Ms. Aki?”
Napalingon si Aki at itinulak si Mr. Forteros. Nang makalayo na siya ay sumigaw siya at sinabing…
“I want to talk to my lawyer! This is insane!"
Then Mr. Forteros just laughed at what he heard from her. He thought that Aki was nothing but an innocent obsessed.
“Really? I never thought you could be this desperate, Ms. Aki.” He said proudly and then sneered, cold, but not that cold as ever.
" You really have no idea, do you? No one knows that you're here…” He said as his eyes were like a little crystal shining upon the devil, " Not even your family, or your friends. No one knows the accident, Ms. Aki. I have you, and I am all in control, so do not let me repeat myself again because anytime I can make you beg for your life!” Then he raised his tone.
Tahimik namang nakinig si Aki sa kaniyang mga sinabi. Sa loob niya ay hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya. Perhaps, all of what Mr. Forteros said it might be true, because he has all the influence to cover everything up. This guy in front of her has the world in his hand, and sure he will seek vengeance, or perhaps wanted to make Aki suffer the way he suffered from the loss.
“Okay…” He continued, and sure he's calming himself.
" No…" Aki interrupted him, with her full conviction.
“ Okay…fine…I'll be your alalay but in one condition…”
Napataas naman ng kilay si Mr. Forteros sa kaniyang narinig mula kay Aki. Siguro at hindi niya lubos akalain na magde-demand din ang babae sa kaniya. Well, he still has the guts to listen, though.
" Okay…what is it?"
“Just promise me not to touch the Magic Fashion Boutique. Besides, dahil nasimulan mo na ‘to, I want you to keep this from my family and friends, especially to my clients. Gusto ko rin magkaroon ng day off para naman maasikaso ko ang mga negosyo ko. I guess you know me very well, then, I am obsessed with my boutique. If you grant all of this, I will be your alalay– alalay of your fiance…”
" Fine, but once you tell the police about anything, it's all over. You know me, Ms. Aki, and I can do whatever I want to do.”
Napatango lamang ng kaniyang ulo si Aki. Isa iyong indikasyon ng kaniyang pagsang-ayon. Alam niya sa kaniyang sarili na it's a loss for her, ngunit wala siyang magawa dahil kailangan din niyang protektahan ang kaniyang pangarap. Gusto niya maging isang isa sa mga sikat na fashion designer, kaya she is willing to risk everything for her boutique. Besides, kailangan din niyang pagbayaran ang ginawa niyang danyos sa buhay ni Mr. Forteros at lalo na sa fiance nitong si Cayleigh.
“Okay …deal.” Sumagot naman si Aki ng may matikas na boses. I guess, she now with her conviction, is willing to risk everything she had.
" But first, may I have my things?”
" Sure…" Sagot naman ni Mr. Forteros at akma na sanang labas ng pinto ng muli niyang marinig ang boses ni Aki.
“Let me see my family, and visit the boutique so that none would be suspicious.”
Napatigil naman si Mr. Forteros sa kaniyang narinig at tumalikod, tinitigan niya sa mga mata si Aki, at napatango na lang siya.
" Okay then…just he quick because I have things to settle with you." He said as he glared an evil look to Aki. That was something strange which intimidated Aki.
Matapos niya iyong payagan ay lumabas na agad siya at kinuha ang mga gamit ni Aki sa ibaba. Si mang Epyong naman ay nakasalubong niya ngunit hindi niya ito pinansin bagkus ay he headed straight to his room and brought Aki's things to her.
“Oh…nakikita mo ba ‘yon ,huh, my Tirang?” Pabirong namang saad ni mang Epyong kay aling Tirang na ngayon ay nasa sala lang at naglilinis.
" Ang kapal mo kung maka my Tirang ka, eh ‘no? Huy Epyong, itatak mo ‘to sa kokote mo ha: kahit ikaw na lang ang natitirang lalaki sa buong mundo, hindi pa rin ako papatol sa ‘yo no. Tsaka ano ba ‘yang tinatalak-talak mo diyan, ha?”
Napangiti naman ng pagkahiya si mang Epyong sa mga bungad sa kaniya ni aling Tirang.
“Nakita mo ba ‘yon? Hindi ako pinansin ni sir Knight eh. I wonder kung ano na kaya ang nangyari sa babaeng ‘yon…” Saad niya.
" Sino?”
" Naku! Siguro totoo nga ‘yong sabi nila na mind might forget you but a heart will never be.”
Nahampas naman siya ni aling Tirang sa balikat dahil sa kaniyang mga sinabi.
" Ang kapal mo! May pa English kapang nalalaman. Will just shut up?”
Napahalakhak naman si mang Epyong sa english ni aling Tirang.
“Ang kapal mo rin, eh halata namang mas may sense ‘yong English ko ‘no. D’yan ka na nga!"
At inirapan siya ni mang Epyong.
“Bakla!" Sigaw naman niya sa matandang lalaki na inirapan lang siya. Ngunit hindi na siya pinansin bagkus ay pumunta na lang ito sa kaniyang silid.
Madalas, maingay lamang ang mansyon ng mga Forteros dahil sa bangayan ng dalawang matandang katulong na si mang Epyong at si aling Tirang. Matagal na rin kasing sinusuyo nung lalaki si aling Tirang kaya lang wala na raw itong panahon sa pag-ibig kaya broken hearted ang labas ni mang Epyong. Pero kahit ganoon, patuloy pa rin naman ang kanilang kulitan na minsan pa ay nauuwi sa hampasan at bardagulan.
Inis namang nagpatuloy lang si aling Tirang sa paglilinis ay saktong Nakita niya si Mr. Forteros na paakyat ng hagdanan dala-dala ang mga gamit nung babae sa loob ng kwarto, ngunit hindi na lang niya ‘yon pinansin.
“Here's your things, Ms. Aki… Walang labis at walang kulang ‘yan.” Bigla namang sambit ni Mr. Forteros pagkapasok niya sa loob ng kwarto.
" So, should I be thankful?" Mataray pa nitong sagot.
“Okay, thanks Mr. Forteros." Dagdag pa nito.
“Sumama kana sa akin. I'll drive you home at sa boutique mo para malaman ko kung saan ka nakatira at sino ang kikitain mo."
“Pati ba naman privacy ko, Mr. Forteros!?"
“Privacy? You only have one with girly things and comfort rooms. From now on, you will notify me wherever you go. Remember, you're my alalay and I'm your boss. You will obey me whatever no matter what!”