ALOHA POVS
NOT FEELING WELL ATTACK
ALAS KWATRO na ng hapon nasa higaan parin ako.
Tiningnan ko naman ang nasa tabi ko, mahimbing parin itong natutulog.
Napangiti pa ako ng makita ko ang expression ng kaniyang mukha, nakaawang kasi ang bibig nito ng kaunti. Muli, dumaan na naman sa isip ko ang mga naganap sa amin ni Vincent kanina lamang. Bahagya pa akong napatungo ng maramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa alaalang dumaan sa isipan ko.
Napahawak naman ang dalawa kong mga kamay sa pisngi ko upang damhin ang pag-iinit nito.
Sobrang init ng pakiramdam ko talaga ngayon, para akong lalagnatin. Although, di naman ako sakitin noong bata pa ako, pero ayaw ko talagang magkasakit, mahirap kasi kapag nagkasakit ako. Matagal bago ako gumaling.
Napayakap naman ako bigla sa aking sarili ng maramdaman ang paghaplos ng aircon sa aking balat, dulot na yun ay gininaw ako ng husto. Napabalik ako ulit sa aking pwesto at nagsumiksik lalo sa katabi kong lalaki. Halos iyakap ko na sa kaniya ang buo kong katawan para lang maibsan ang panginginig ng aking katawan. Naramdaman naman ni Vincent ang presensya ko, kaya agad itong napamulat ng mga mata.
"W-wife?" Tinig nito sa gulat na reaksiyon.
Sinapo niya naman ang leeg ko at noo. Bigla naman nanlalaki ang mga mata nito ng maramdaman niya ang pag-iinit ng katawan ko.
"Wife? Are you okay?" Saad nito sa nag-aalalang boses.
"V-vincent, giniginaw ako. Pwede bang pakipatay o hinaan nalang ang aircon? Please?" Pagsusumamo ko pa sa kaniya habang nakapikit ang mga mata.
"Okay--okay wife. Sh*t." Dinig ko pang mura nito sa sarili habang naglalakad patungo sa remote ng aircon. Inilagay niya lang sa low level ang temperatura nito. Nagmadali naman itong pumaroon sa akin at muling hinaplos ang leeg at noo ko.
"Wife, I thought your sick." Basag nito sa pananahimik ko.
Napaungol nalang ako sa kaniyang sinabi. Lalo akong nakaramdam ng panghihina ng katawan, mas lalo rin tumataas ang lagnat ko sa mga oras na iyon.
"Wife." Tawag ni Vincent sa akin.
"Hmmmmp!!!!!" Mahina ngunit alam kong dinig niya ang ungol ko.
Humiga sa aking tabi si Vincent at hinigpitan ang pagyakap sa akin.
Nasa ganun kaming posisyon habang walang patid naman ang pagdial niya sa telepono.
"Yes, I want your food to deliver now and also can you please bring me some medicine for fever. My wife is suffered for that f*cking sh*t." Malutong pang mura nito sa huling sinabi. Kasalanan niya naman kung bakit ako nilagnat ngayon. Sa laki ba naman ng ari niya at isinagad pa sa pang-araro sa akin, natural na magkakasakit talaga ako ngayon.
Iniyakap ko pa lalo ang katawan ko kay Vincent. Lalo rin naman humigpit ang yakap niya sa akin, walang patid naman ang paghalik nito sa aking noo at ilong.
"I'm sorry wife." Bulong nito sa punong tainga ko.
Iminulat ko naman ang mga mata ko at tiningnan siya sa mga mata. Sinalubong niya naman ang titig ko. Nakita ko naman ang reaksyon ng mga mata niya. Awa at pagsisisi ang naaaninag ko abo niyang mga mata.
"V-vincent wala ka naman kasalanan eh. At tsaka siguro lalagnatin talaga ako, kasi ito ang kauna-unahan kong experience sa buhay ko na involved ay isang lalaki." Pagpapaunawa ko naman sa kaniya.
Masuyo naman ang paghaplos nito sa pisngi ko.
"Yun na nga wife eh, sana pala di na muna kita binigla wife, masyado kasi akong nadarang at nagpadala sa bugso ng damdamin, I mean gusto ko ng maangkin kaagad ang asawa ko." Wika nito habang iniiwas ang mga mata nitong tumititig lang sa akin kani-kanina lang.
"V-vincent," Muli ay tawag ko sa pangalan nito.
"Bakit? may masakit ba? may nararamdaman ka pa bang iba Aloha? Please tell me,! and don't hesitate to ignore about your condition right now wife." Himig nito sa lalong pag-aalala ng boses.Lalo niya pa akong kinabig sa kaniyang dibdib at masuyong hinahaplos ang likod ko.
"Hindi na muna tayo lalabas, magpahinga ka na muna dito wife." Saad nito sa kalmadong boses.
Muli ko naman siyang tiningala.
"Vincent, h'wag kang mag-alala gagaling din naman agad ako." Pag-aalo ko sa kaniya.
"I will take care of you wife." Masuyo nitong saad sa akin.
Kahit masama ang pakiramdam ko ng hapon na iyon, ay di ito hadlang sa akin.
Bumangon parin ako at naghanda ng aking susuotin.
Paika-ika ako sa paglalakad. Sobrang sakit parin sa pagitan ng dalawa kong hita. Halos matumba na ako bago ko pa maabot ang mga gamit namin ni Vincent kung saan nakalagay ang mga ito.
"Ouch...sh*t." Di ko na maiwasang magmura ng mga sandaling yun.
Ihahakbang ko pa sana ang mga paa ko, pero bigla nalang namanhid ang mga ito. Dahilan, ito ang kinabagsak ko sa semento. Napasigaw ako ng malakas ng tumama ang likod at pang-upo ko sa matigas na tiles.
At dun lamang lumabas ng banyo si Vincent. Nakikita ko ang mga hakbang nito sa pagmamadali, halos takbuhin niya na ang kinaroroonan ko.
"Wife? what's happening here?" Agad nitong buhat sa akin.
Tumutulo pa ang basang buhok nito sa kaniyang dibdib papunta sa aking balat.
"G-gusto ko lang sanang ihanda ang mga gamit mo at gamit-"
"Dapat hinintay mo nalang akong makatapos wife." Putol nito sa sasabihin ko.
"Nahihiya na kasi ako sayo Vincent." Nakayuko kong sagot sa kaniya.
Habang maingat ako nitong inilalapag sa kama.
Pinalitan na ang bedsheet ng kama. Kaya wala na doon ang bakas ng dugo.
Hiyang-hiya naman akong tumingala sa asawa ko. Halos mapugto pa ang paghinga ko ng makita kong nakatiim-bagang itong nakatingin sa akin.
"B-bakit ganyan ka makatingin sa akin Vincent?" Agad na tanong ko sa kaniya sa kinakabahan na boses.
Wala naman akong maalalang may nagawa akong mali.
"Bakit ka mahihiya sa akin wife?" Kalma ngunit bakas sa boses nito ang pagkairita.
"Ahmp...Marami na kasi akong nagawang palpak kaya ayaw ko na sanang idagdag pa ito." Saad ko sa kalmadong boses.
Nanginginig pa ako sa sobrang kaba at nakakaramdam pa ng pagkahilo. After kasi naming kumain ni Vincent, pinainom niya ako ng gamot at pinatulog. Nagising ako na wala siya sa tabi ko. Kaya nagpasya nalang akong ihanda ang susuotin namin mamaya kapag maliligo na siya.
"H'wag mo na ngang isipin yan wife.
Asawa na kita, kaya kung ano man ang gagawin mo lalo na't di pa kaya ng katawan mo ay ipaalam mo sa akin." Saad nito habang kinukuha ang mga damit na nagkalat sa sahig.
"I am sorry Vincent." Wika ko nalang sa kaniya habang nakatungo naman ang ulo ko sa baba. Sobra kasi ang pagkahiya ko sa kaniya ngayon.
Namumula lalo ako at umiinit ang paligid ko. Gusto kong magbabad sa tubig.
Tatayo na sana ako ng makita ko siyang palapit sa kinauupuan ko.
"Gusto mong maligo wife?" Tanong nito sa mababa ng boses.
"Oo Vincent, para naman bumababa ang init sa katawan ko." Matapat ko namang sagot sa kaniya.
Maingat niya naman akong binuhat sa kamang kinauupuan ko at dahan-dahang hinakbang ang mga paa nito papasok ng cr.
"Ako na ang magpaligo sayo wife, di ka pwedeng magtagal sa paliligo at hindi iyon maganda sa nararamdaman mo ngayon." Paliwanag nito.
"Vincent, h'wag na. Kaya ko naman ang sarili ko eh." Tanggi ko naman sa kaniya.
"No wife." Maikli ngunit maawtoridad nitong saad sa akin habang mataman ako nitong tinititigan.
.
.
.
.
Buhat parin ako ni Vincent ng lumabas kami ng banyo.
Nagmadali rin akong nagbihis ng makarating sa paanan ng kama.
Napaupo pa ako sa kama ng makaramdam ng panginginig ng tuhod.
Lumingon naman sa gawi ko Vincent.
"I know wife na di ka pa okay. H'wag kang masyadong magkikilos-kilos. Okay?" Paalala nito sa akin.
Tumango na lamang ako sa kaniyang sinabi at inabalang suklayin nalang ang aking buhok.