Chapter 38 "Pumasok ka na? Okay na ba ang baby girl mo?" Tanong ni bella sa akin nang magkasalubong kami. Tumango ako, "thankfully, oo" "That's good" Tumango lang ako at bumalik na kami sa kaniya-kaniyang gawain. Naga arrange ako ng charts nang tumabi sa akin si Nurse Torres. "Good morning ma'am" bati ko. "Morning" aniya sa pormal na boses. Hindi ito nakatingin sa akin bagkus ay nakatingin sa harapan nang tumugon. Aalis na sana ako papuntang Emergency room nang magsalita siya ulit... "Pumasok ka na pala. Kamusta na ang anak mo?" Napalingon ako dahil hindi ko ine expect na magtatanong siya. She's too stiff and formal to care for her attendees lives. Guess i'm wrong. Or maybe she's just curious. Bahagya akong ngumiti. "Okay naman ma'am. Magaling na siya. Naglalaro na nga e" Hind

