036 To die or to live? C L A I R E Agad napasugod sa mansiyon si Christian nang malaman niyang nandito ako. Sobrang alalang alala na pala siya sa akin at halos hindi na siya makatulog kakahanap sa akin. Medyo naawa din ako sa kanya dahil nadamay ko pa siya sa problema ko. Hindi tuloy siya nakatulog ng maayos nitong mga nakaraang araw. Napansin ko din ang bahagyang pag payat ng katawan niya. Mukhang hindi na din siya nakakakain ng maayos. "Ano bang naisipan mo at bigla ka na lang nawala? Balak mo ba akong patayin?" Natawa ako sa sinabing iyon ni Chris. "Ano ka ba Chris! Wag ka ngang OA mauuna pa ako sayo." Biro ko pero hindi siya natawa. Seryoso lang siyang tumitig sa akin at nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Yumugyog ang balikat niya kaya alam kong umiiy

