029 "Where are you" C L A I R E "Dad?" Nagising akong nasa tabi ko na si Daddy. Ang sama ng panaginip ko. Napanaginipan kong pinalayas daw niya ako sa mansiyon at itinakwil bilang anak pero mabuti na lang talaga at nagising ako agad at panaginip lang iyon. Nag taka ako nang mapansin kong wala ako sa sarili kong kwarto. Iginala ko ang buong paningin ko sa paligid. Walang duda nasa isang hospital room ako. "Dad? Anong ginagawa ko dito? Bakit ako nandito?" I asked pero sinagot niya lang ako ng isang malungkot na ngiti. Bakit ang lungkot ng mukha niya kahit na nakangiti siya? Hinaplos ko ang pisnge niya. "Dad? Bakit parang pumayat kayo? May sakit ba kayo?" Tanong ko ulit pero kinuha niya lang ang kamay ko at hinalikan iyon. "I'm sorry Claire. I'm so sorry.." Aniya na parang sising sisi

