Millian's POV Nagtaka ako ng hinila ako palabas ni Aquila matapos ang eksena namin sa Ball Hall, kung saan nakilala ko si Clan Leader Isarno na kanyang ama. Hindi ko naman kasi alam kung bakit pumunta ako doon, gusto ko lang naman makausap si Esmerelda pero nandon pala si Aquila at yon nga nagkabukingan na. Ilang araw na rin kasi kaming nag-iiwasan simula nong lumapag ang eroplano at umuwi kami dito sa palasyo. Hindi ko man lang alam na isa na palang reyna ang isa kong kapatid na si Emlove at ang mate niya ay ang Beast King, si Lorkhan Fierce, kaya naman pala majestic ang aura niya at may urge sa loob ko to bow down on his feet. Ang swerte talaga niya, pati na rin si Seven na ang mate ay isang Knight Commander, second in command ng Beast King which is a high position. Si Aquila Avalion ay

