CUPID 8.1

1811 Words
Binutones ko ang aking dress shirt na tinanggal ko kanina after I rub my scent all over my mates body. Nasa loob na kami ng elevator ni Jariah, I'm still worried kahit pa nakapaligid ang iba pang tauhan ko sa paligid ng building. When I smell the scent of our enemies, I needed to act quick dahil alam ko kung sino ang pakay nila. Tumingin ako sa aking kasama na hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan. Medyo na-guilty ako sa ginawa ko sa kanya. Hindi ko mapigilan ang galit ko ng sinabi sa akin ni Emlove ang ginawa ng lokong toh sa kanya. His neck is all better now, magaling na rin ang mga sugat ko sa braso na kinalmot niya kanina. "I'm sorry…" sabi ko sa kanya at tumingin siya sakin. "I was mad because you touched her." "Hinawakan ko lang ang pakpak niya Lor. Wala akong masamang intensyon." sagot niya. "It's my fault anyway since pinagbantaan ko siya. I just really need to make sure na nagsasabi siya ng totoo at hindi ka niya, tayo, niloloko. Remember that there are species different from us who can use their magic." "I know… Pero sobrang saya ko lang talaga nong lumitaw siya sa harap ko. The way her scent makes me crazy, her pink, hearts eyes are just so cute. Every touch from her, every smile hindi mo lang alam kung anong epekto sa akin non. I don't want any male touching her kahit bestfriend pa kita." tumango siya. "Sorry din Lor… Gusto ko siya dude, gusto ko siya para sayo. At nagpapasalamat ako sa Goddess at natagpuan mo na siya." tumango ako at bago pa ako makasagot, tumigil ang elevator at bumukas na yon. Paglabas namin, sinalubong agad kami ni Orson at nag-bow sa amin. "Did you catch him?” tanong ko sa kanya. May sinenyasan itong isang tauhan namin sa kanyang likod at hawak niya ang isang lalake. He looks young, madumi at mukhang pagod na pagod. He smells like his clan but also different, like chemicals. "Sino ka?” matigas kong sabi and nanginig siya. "H-huwag niyo po akong sasaktan." takot niyang sabi. "N-nakatakas po a-ako sa l-lab…" natigilan kami sa huli niyang sinabi. "M-marami pa kami, yong, yong iba n-namamatay na…" umiiyak na nitong sabi. "P-pakiusap kayo lang ang makakatulong samin!” "No wonder he smells like s**t!” galit na sabi ni Jariah. Hinawakan niya sa braso ang binata at tinitigan niya ito. "Wala ka bang kasama? Ikaw lang ba ang nakatakas?” "Naghiwa-hiwalay kami para maka sigurado, hindi ko alam kung nasaan na yung iba pa." naiiyak niyang sabi. "Sabihin mo sa amin kung saan ka galing, kami na ang bahalang maghanap sa mga kasama mo." tumango lang naman siya at nagpasalamat. Inutusan ko si Orson na dalhin nila sa ospital ang bata at tawagan ang clan nito. Sinabi niya sa amin kung saang lugar siya tumakas at gumawa na kami ng plano ni Jariah para sa isang search hunt. Bago kami umalis, tinawagan ko si Emlove. Dumating rin ang ibang mga tauhan namin para magbantay dito sa building, pinaiwan ko si Orson pagkatapos ay sumakay na kami ni Jariah sa armoured na sasakyan at umalis na kami kasama ang iba. Emlove's POV Gabi na pero hindi pa rin bumabalik si Lorkhan sa kanyang pinuntahan. Ang sabi niya lang sakin kanina ng tinawagan niya ko eh may importante siyang lalakarin. Hindi ko alam na magiging matagal pala ang gagawin niya. I don't know what he's doing, wala akong alam dahil wala siyang sinasabi sa akin. I may be a cupid pero hindi ako naive. He's treating me like I'm so vulnerable, na hindi ko kakayanin kahit anuman ang sabihin niya tungkol sa kanya. Ganon ba ko kahina sa paningin niya? Napabuntong-hininga ako at tumingin sa madilim na langit na maraming kumikislap na stars. Kumusta na kaya ang mga kapatid ko, meaning ang iba ko pang kasama na mga cupids. May isa akong ka-close doon eh, pareho kaming pasaway, pareho kaming malibog. Naging friends kami ng minsan kaming pinatawag sa Cupid HQ namin, waiting for our judgement, rather our punishment dahil sa hindi namin pamimigay ng love. Simula noon, naging friends na kami at ang huli kong balita sa kanya eh nakatoka na rin siya dito sa human realm. Hindi ko nga lang alam kung saang lugar. Bumalik ako sa loob at nagpaalam kay Mrs. Llanez na lilipad muna ako. Hindi niya ako pinayagan nong una kasi nga wala pa si Lorkhan. Pero nangangati na ng husto ang likod ko, stiff na rin ang wings ko. Pumayag siya ng kalaunan pero pinadala niya sa akin ang phone ko para malaman nila kung nasaan man ako. Nagpasalamat ako sa kanya, nilagay sa aking bulsa ang phone at lumabas ulit. Nang nasa edge na ako ng balcony na may railings, nilabas ko na ang aking mga pakpak. I position my wings, flap it a few times then nag-dive ako sa edge. I spread my wings, and gained some rhythm hanggang sa naga-glide na ako sa hangin. Napangiti ako at lalong gumaan ang pakiramdam ko, napangiti ako sa nakikita kong view sa baba. Gabi naman na at sobrang taas ko na lagpas pa ng mga nagtataasang building kaya walang makakakita sakin. Pero syempre kailangan ko pa ring mag-ingat. Pumunta ako sa kagubatan na nasa dulo ng city at binabaan ko ng konti ang paglipad ko. Habang nag-eenjoy ako sa aking ginagawa bigla na lang akong may naamoy na familiar scent. Lumipad pa ako, trying to find where it comes from hanggang sa may narinig ako na mga boses. Hinanap ko ang boses na yon, at habang papalapit ako kilalang-kilala ko ang deep, growly voice na yon na pagmamay-ari ng heart ko. Weird? Nandito ba siya? Binabaan ko pa ang lipad and I lightly descend on a tree branch at tumingin sa paligid. Mula sa di-kalayuan, may nakita ako na malaking tao at alam kong si Lorkhan ito, kasama niya rin si Jariah at may iba pa. Their eyes are all glowing at parang kitang-kita nila ang kanilang dinaraanan kahit madilim pa ang paligid. They are light on their feet at wala silang ginagawang ingay sa kanilang paglalakad. What are they even doing here? May business ba silang gagawin dito? I notice him sniffing the air and his eyes glow brighter. Umupo ako sa branch at binalik ang wings ko. Nanatili ako doon para pagmasdan sila. "Lor, anong problema?" rinig kong tanong sa kanya ni Jariah. Napakunot-noo naman siya and he smelled the air again. "I am smelling my mate." pa-growl niyang sabi na nagugulohan. Tahimik naman akong tumawa at tinakpan ang bibig ko. Sandali, ngayon ko lang napansin, naamoy ko siya at naaamoy rin niya ako? Paano nangyari yon? "Dude… I know you're crazy over her and you smell like her too. I know you tasted her by the way." nag-growl ulit siya at uminit naman ang aking mukha. "Pero smelling her here when she's far away, she's in your penthouse right now.” "Seryoso ako gago! Naaamoy ko nga siya." iritang sabi ni Lorkhan. Kinuha ko naman ang aking phone at tinawagan siya. Maya-maya natigilan siya at kinuha ang kanyang phone sa bulsa ng pantalon niya. "Emlove? Is there something wrong?” "Wala…" mahina kong sabi. "Lorky, anong ginagawa mo dito sa gubat?” tanong ko sa kanya. Natigilan ulit siya. "Baby, I am kind of busy right now. Baka late na akong umuwi. Matulog ka na." "Lorky, nandito ako… Can you follow my scent, I did follow yours." bigla siyang tumingin sa paligid, kumaway ako mula sa tree branch at winagayway ko rin ang phone ko para makita niya ang ilaw. Mabilis siyang nakalapit sa puno kung saan ako nakapwesto at hindi siya makapaniwala na nandoon ako. "Hiiiiiiiiii!” bati ko sa kanya at tumawa si Jariah nang makita niya ako. "What the hell are you doing here?! Emlove, bumaba ka dyan." napa-pout naman ako at tumalon ako pababa. Na-catch niya naman ako at napatawa ako sa takot ng itsura niya. ”Why did you do that?!” "Sabi mo bumaba ako, alam ko namang sasaluhin mo ako eh." napahinga siya malalim tapos ay hinapit niya ako sa bewang. "So, anong ginagawa niyo rito? Is this a mission thing? May mga zombies ba?” excited kong tanong at tumawa ulit si Jariah. "Pinky, hindi ka dapat nandito. It's kind of dangerous, and how did you even get here?” "Duh? Lumipad ako…" pabulong kong sabi at nagkatinginan sila. "Tapos naamoy ko si Lorky kaya sinundan ko ang scent niya and here I am. I miss you!” at niyakap ko siya. “Why are you even flying? Alam ba toh ni Mrs. Llanez?” tumango ako. “Sobra na nga kasing nangangati tong likod ko at nafi-feel ko na naninigas yong wings ko kaya nagpaalam ako sa kanya. She told me to bring my phone para alam niya kung nasaan ako. Huwag kang magagalit sa kanya ah, ako lang itong nagpumilit.” “Still, hindi ka dapat nandito. We might face something dangerous.” alala niyang sabi at tumingin siya sa paligid. Napapalibutan kami ng mga kasama nilang lalake at may mga babae rin na kasing laki nilang dalawa at kagaya din ni Orson. “Then the better I am here. Ayokong mapahamak ka noh! Tutulungan ko kayo Lorky. May hinahanap ba kayo? I can fly so I can search better.” napangiti sa akin si Jariah. “Alam mo Pinky, maganda ang idea mo…” sabi niya at napangti rin ako. Pinandilatan siya ng mga mata ni Lorkhan. “Absolutely not!” matigas na sabi niya at hinagod ko naman ang kanyang chest para kalmahin siya. “Hindi ako makakapayag na idamay mo siya dito Jariah.” “Hey, she’s your mate at gusto niyang tumulong. Kanina pa tayo naghahanap Lorkhan at sa tagal natin baka hindi na natin sila mailigtas pa. She’s going to fly at susundan natin siya. Wala naman sigurong mangyayari sa kanya basta lang na hindi siya makikita. Your not stupid to show up yourself to the bad guy, right Pinky?” medyo nairita ako sa sinabi niya pero nag second the motion ako. Sino kaya ang mga hinahanap nila kung ganon? “Sige na Lorky, hindi ko ipapahamak ang sarili ko.” sabi ko at niyugyog ang kanyang braso. “Promise me baby, pag nahanap mo sila at nagsimula ng magkagulo, fly out of here. Bumalik ka sa penthouse at huwag kang lalabas.” “Okay! Pero paano yong mga kasama niyo? Okay lang ba na makita nila ang mga pakpak ko?” sabay tingin sa kanila. “Mga tauhan ko sila, they won’t say anything. Now fly little cupid, susundan ka namin.” Tumango lang naman ako. Nilabas ko ang aking mga pakpak, narinig ko ang pagsinghap ng ilan na kasama namin pero hindi ko sila pinansin at lumipad na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD