Nhine’s POV Sinundan ko ng tingin sina Lorkhan Fierce at Emlove nang lumabas sila ng kulungan kung saan nila ako kinulong. Nakabukas ito at sinabi nila na malaya na ako, tumingin ako kay Albert na nakangiti sa akin. Napaiyak ako at niyakap ko siya ng mahigpit at hindi ko na napigilan na umiyak sa sobrang saya. Malaya na ako, malaya na kami na magsama ng aking mate! I never expected it na ang albino gorilla, who man handled me in my own facility noong tumatakas ako ay ang mate ko. Isa siyang shifter at isa ring shifter ang nanakit sa akin noon pero hindi niya ako mate tsaka nag-assume lang ako non na magugustuhan niya ako pag nagkakilala kami. Ang dami kong nagawang kasalanan sa kanila at sobrang bait talaga ni Emlove at pinatawad niya ako. Babawi talaga ako sa kanila at gagawin ko ang aki

