Maingay na sa labas nang magising ako kinaumagahan. Pagdilat ko ng aking mga mata, medyo nanginig ako dahil wala na sa aking tabi si Lorkhan na laging nakayakap sa akin. Mukhang late na ako na nagising and he started his day without me. Pero nag-iwan naman siya ng note at isang breakfast tray na may single pink tulip. Napa-giggle ako na parang isang kinikilig na teenage girl at gumulong ako sa kama. Tinakpan ko ang hubad kong katawan ng blanket at bumangon ako. Mamayang gabi na pala magaganap ang Mating Ball at ang Coronation ng Beast Queen. Kaya siguro maingay sa labas kasi naghahanda na ang lahat. Well, I need to get ready too kaya bumaba ako ng kama at pumunta sa banyo para mag-toothbrush at para makapaligo na rin. Napangiti ako nang maalala ko ang nangyari sa amin kagabi. Matapos kasi

