The Older Sister

3380 Words
Agad akong napabalikwas ng bangon ng makita ko ang oras ng magising ako. Super late na ako para sa training at siguradong lagot ako nito kay Jariah! Ang hirap pa naman ng punishment niya! Mabilis akong naghugas sa banyo, nagbihis at patakbong lumabas ng kwarto. Nadatnan ko si Mrs.Llanez na naghahain ng pagkain sa mesa at binati ko siya tapos ay tumakbo ako palabas sa balcony. Tumingin ako sa paligid at hindi ko makita si Jariah doon. Nasaan siya? Umalis na kaya? Bumalik ako sa penthouse at tinanong si Mrs. Llanez. Ngumiti siya sa akin at pinaupo ako sa harap ng mesa. "May mahalaga silang pinuntahan na meeting ngayon kaya male-late ng konti si Jariah.” sabi niya sa akin. “Ganon po ba? Akala ko nandito na siya at hinihintay na niya lang ako na parusahan. Buti na lang… Mag-toothbrush lang po ako.” paalam ko sa kanya at patakbo akong bumalik sa kwarto namin at pumasok sa banyo. Syempre naligo na din ako at pinalitan ang aking suot, isang black leggings at pink na tank top. Pinatuyo ko ang mahaba kong buhok that took a while tapos brinaid ko ng mag-isa. Malawak akong nakangiti habang nakatingin ako sa salamin. Hindi ko alam pero mas lalo akong nag-glow, pansin ko rin na nagkaka-muscles na ako, lumaki pa ang aking dibdib at pwet. Kung ganito lang naman ang effect ng pagte-train ko ay gagawin ko siya araw-araw. Maybe dahil in love din ako at lagi akong pinapaligaya ni Lorkhan gabi-gabi. Kung anuman ang dahilan ng changes ko sa katawan, I am still happy! Panatag na rin ako ngayon dahil shinare ni Lorky ang about sa family niya kagabi. Hindi ko akalaing pati ang mga shifters ay may conflict sa kanilang family. Sanay na ako sa mga humans na kagaya ng mga teleserye na napapanood ko but shifters? Ayon sa data namin na tinuro sa amin eh close ang bond nila. They help each other, they support each other. Pero ang magbago dahil naging Beast King lang ng anak at kapatid nila? Maybe there is something wrong with them. Well, whatever that is, mabuti at hindi ko pa sila nakikilala. Hindi pa ako ready at siguradong huhusgahan lang nila ako. Pero sa aming mga cupid, walang kompetisyon sa amin dahil pare-pareho lang naman kami ng ginagawa. Masaya pa nga kami sa number one cupid namin, hindi man kami inspired pero mas maganda dahil sa kanya nakatutok ang mga heads namin. Tsaka ibig sabihin mas mabilis ang promotion mo. But duh? Sino naman ang may gusto na manatili lang sa Cupid HQ with their forever cupid life? Not me! Matapos kong ayusan ang aking sarili, kinuha ko ang aking sneakers at lumabas na ng kwarto at natigilan ako nang may babae na nakaupo sa sofa ng living room. Nakatalikod siya sa akin, pero kitang-kita ko ang fit at lean niyang katawan. She has this muscles na perfect sa kanya, golden tan skin na mas dark ng konti kay Lorkhan, at nakahigh ponytail ang mahaba niyang black na buhok. Unti-unti siyang tumayo at hindi ako makapaniwala sa tangkad niya. Humarap siya sa akin at natigilan din siya ng makita niya ako. Grabe! She’s so gorgeous, mula sa mala-exotic nitong beauty at sa hubog ng kanyang katawan. He has the same eyes as Lorkhan but hers is much darker. OMG! Maybe I spoke too soon… Kaharap ko na ang isa sa mga kapatid niya? Sana nga lang at ang kasundo ni Lorky ang kaharap ko ngayon. Tinaasan niya ako ng kilay at humagod ang kanyang mga mata mula paa hanggang sa ulo ko. “At sino ka naman?” sungit niyang sabi at natutop ko ang aking bibig. Sobra kasi akong kinakabahan tsaka naglalabas siyang ng menacing aura. Para ngang gusto niya akong balatan ng buhay sa talim ng tingin niya. “Why is a girl like you in my brother’s home?” mabilis siyang nakalapit sa akin at napangiwi ako ng mahigpit niyang hinawakan ang aking braso. “Sobrang bored na ba ng kapatid ko at kung sino-sino na lang ang binabahay niya?” “Ano… Kasi… I-I’m his m-mate…” takot kong sabi at biglang nangislap ang kanyang mga mata at muntik na akong mapasigaw sa sakit when her claws dig into my skin. “Mate?! Mate?!” di-makapaniwala at galit niyang sabi at malakas niya akong sinampal. Tumumba naman ako sa sahig sa lakas ng impact non, parang hindi siya sampal eh! Napahawak ako sa aking nananakit na pisngi at nalasahan ko ang dugo sa gilid ng aking labi. “Sabari!” narinig ko ang gulat na sabi ni Mrs. Llanez at napansin ko na lang na nasa tabi ko ito at dinadaluhan ako. “Ano bang ginagawa mo?” tanong nito sa tinawag niyang Sabari at namilog ang kanyang mga mata nang makita niya ang aking mukha na malamang ay namamaga na at may sugat pa ako sa labi. “Huwag mo akong pipigilan hybrid! Tumabi ka dyan kung ayaw mong ikaw ang isunod ko!” banta niya at natakot na ako para rito. “Sige na Mrs Llanez, kaya ko na…” bahagya ko siyang nginitian at pinalayo sa akin. Nag-aalangan naman siya pero tinignan ko siya na nakikusap na lumayo na lang kasi ayaw ko din siyang saktan ng babaeng toh! Isang babae na naman na nakilala kong war freak pero mas matindi pa sa mga nauna kong nakilala. Binalingan ako ulit ni Sabari, ang mean na nakatatandang kapatid ni Lorkhan and I am very sure of that. Pati ba naman nakakatanda sa amin pagbabantaan niya? Bahagya ako napasigaw ng sinabunutan niya ako at hinila ang aking buhok. “Ang lakas ng loob na sabihin na ikaw ang mate ng kapatid ko! Ano ka ba? Isang lowly human na binahay lang niya! Who are you exactly? The woman of the week? The woman of the month?! You reek of him so ibig sabihin mukhang nag-eenjoy pa siya sayo! Sorry na lang pero hindi ko papayagan na bilugin mo ang utak niya! What the hell is Lorkhan even thinking, welcoming a human in his home!” habang nagsasalita siya, hinihila niya ang buhok ko at parang pati anit ko natatanggal na eh! Hindi naman na ako lumaban at baka kung ano pa ang gawin niya at madamay pa si Mrs. Llanez. Pinatayo niya ako na hila ang aking buhok tapos ay napahiyaw ako sa sakit nang hawakan niya ang sugatan kong braso. Marahas niya akong hinila papunta sa pinto, binuksan niya ito at hinagis ako palabas. Napadapa ako sa sahig at may nakita akong dalawang lalake na malaki ang katawan na nakabantay sa pinto. “Get her out of my property!” utos niya sa mga lalake. “Can we play with her?” nakangising sabi ng isa na may mahabang blond na buhok, yong isa naman ay semi-bald na nakangisi rin habang humahagod ang kanyang mga mata sa kabuuan ko. Ngumisi din sa akin si Sabira. “Gawin niyo ang gusto niyong gawin sa ilusyonada at malanding babaeng yan. Just get her out of here!” natuon ang mga mata niya sa akin. “Pag bumalik ka pa rito, papatayin na kita!” pagkasabi niya non, bagsak niyang isinara ang pinto. Hinawakan naman ako ng dalawang lalake sa magkabilang braso at hinatak papasok sa nakabukas na elevator. Nakatungo lang naman ako at hindi nagsasalita habang hawak pa rin nila ako. Huminga ng malalim ang isang lalake na may mahabang buhok at bahagya siyang tumawa. “Amoy na amoy ko sayo ang Beast King, mukhang nag-eenjoy talaga siya sayo.” sabi niya at nanatili lang akong tahimik. “Alam mo cute ka naman kasi at mukhang masarap ka.” hinaplos niya ang aking braso at nandiri ako doon. Binitawan ako ng isa at bigla ako nitong isinandig sa metal na wall ng elevator at sinamyo niya ang aking leeg. “F*ck you smell so good slut…” garlagal niyang sabi. Matalim ko lang naman siyang tinignan at tumawa siya ulit. Sinampal ko naman siya sa mukha at agad kong tinuhod ang kanyang gitna. Nag-growl naman ang kanyang kasama at umiwas ako sa atake niya. Sinipa ko ang kanyang tuhod, nang bumaba ang ulo niya, malakas ko siyang sinuntok gaya ng itinuro sa akin ni Jariah. Nag-growl ang isa na parang aso, tumalim ang kanyang mga kuko, sinwipe niya ang kanyang kamay pero agad akong tumalikod at napakagat ako ng labi ng makalmot niya ang likod ko. Sobrang sakit na para akong hihimatayin pero kailangan kong lumaban. Iam the mate of the Beast King at kailangan kong patunayan ito lalong-lalo na sa kanyang pamilya! Hinila ng isang lalake ang aking buhok, hinatak niya ang suot kong damit kaya nagkapunit-punit ito. Sinuntok pa ako sa tiyan ng isa at tagos yon hanggang laman at napaubo ako, may lumabas pang dugo. Gustong kong umiyak, sumigaw, at humingi ng saklolo ng mga oras na yon pero sino naman ang tutulong sa akin? At magiging mahina lang ako sa tingin ng iba pag hindi ko nalusotan ang mga manyak na toh! Binugahan ko sila ng aking pink na hininga at natigilan sila. Nang lumuwang ang hawak sakin ng semi bald na lalake, sinabuyan ko sila ng aking lust dust at napaungol silang dalawa. Biglang namungay ang kanilang mga mata, tinignan nila ang isa’t-isa tapos ay nagngitian. Nagpasalamat ako ng bumukas na ang pinto ng elevator at gumapang ako palabas. Nang lumingon ako sa kanila, naghahalikan na sila, yon ang last na nakita ko nang sumara uit ang pinto. May nakita akong lumalapit sa akin na lalake, pero agad akong tumayo at mabilis na tumakbo palabas ng building. Nang makalayo ako ng konti, nagtago ako sa isang corner ng kalsada para magpahinga ng konti. Pinagdikit ko ang aking mga kamay na nanginginig, nananakit ang buo kong katawan, dumudugo ang aking mga sugat lalong-lalo na sa sugat ko sa likod na ramdam ko ang pagtulo nito. Anong gagawin ko? Saan ako pupunta? Wala naman akong ibang kakilala rito, hindi ko din alam kung saan ang place ni Jariah. Wala din si Orson na laging nakabantay sa building. Saan kaya sila nagpunta? Alam kaya ni Lorkhan na andito ang kapatid niya? Hindi ko pa naman dala ang aking phone at ngayon ko lang napansin na naka paa lang ako, wala akong suot na sapatos. Bumuntong-hininga ako, isang lugar lang ang pwede kong puntahan. Tumingin ako sa corner, tinitignan kung may tao, nang masigurado kong wala, nilabas ko ang aking wings at muntik na akong mapsigaw sa sakit dahil nasagi nito ang sugat ko doon. Tiniis ko na lang at lumipad na, bahala na, mag-iingat na lang ako para walang makakita sa akin. Hawak ang dumudugo kong sugat sa braso, lumipad ako papunta sa Fierce Tower kung saan ang building na pag-aari ni Lorkhan. I’m sure nandoon lang ito. Mabilis akong lumapag sa rooftop ng mataas na building at agad na nagtago sa storage at baka may staff doon at makita ako. Nang maitago ko ang aking wings, sumilip ako sa labas at mukhang wala namang mga tao. Lumabas ako at lumakad palapit sa pinto na naroon pero nainis ako dahil naka-lock pala ito. Wala na akong choice kundi manatili na lang doon, Umaasa na sana ay ma-feel at maamoy ako ni Lorkhan dahil malapit lang ako sa kanya. Jariah’s POV Nababagot na ako sa aking pag-upo sa malaki at mahabang table habang kaharap namin ang mga clan leaders. Sa totoo lang mas gusto ko pang mag-train kasama si Pinky pero kailangan din naman ako dito. I am an alpha and also the clan leader of the Feline Clan. Nandito rin si Orson na sinamahan ang kanyang ama na clan leader din ng Heavy Clan. Wala pa rin silang alam tungkol sa mate ni Lorkhan at nagpapasalamat naman ako doon. Kung hindi, ipagpilipitan nila na makilala siya eh hindi pa ready si Pinky noh. Ayaw ko ngang makilala niya ang ilan sa mga ito na walang ginawa kundi sumalungat sa mga desisyon ng kaibigan ko. Come on, he’s trying his best, marami na siyang nagawa para sa mga shifter pero hindi man lang nila ma-appreciate. Napangiti ako ng makita ang paghikab ng clan leader ng Bouda Clan, napatingin siya sa akin na nagsesenyas na sasakalin niya ang sarili niya at kinindatan ko lang siya. Tahimik naman siyang tumawa at ganon rin ako. Isa siya sa mga kasundo namin na clan leader na tinatawag ng lahat na Mama Sha, in short, Shakira, pero sa mga taong gusto lang niya. Matagal na siyang clan leader and everyone loves and respects her. Para na nga rin siyang ina namin ni Lorkhan. They are a good looking clan, very promiscuous though, isang ngiti pa lang ng apo niya na nasa likod niya, mahuhulog na lahat. Napailing lang naman si Rover ng makita ang biruan namin ng kanyang grandmother. “This is getting out of hand… Kailangan na natin na ipakita sa mga humans na toh kung sino ang mas superior species.” sabi ng isang clan leader, ang Swine Clan. “At paano natin gagawin? Dudukot din tayo ng humans at paglaruan?” inis kong sabi at sinaway ako ni Lorkhan na katabi ko. “We can’t resort in violence all the time.” sagot naman ng clan leader ng Wolf Clan. “Nadukot din ang isa sa mga anak ko pero hindi ako yong tipo na gumaganti. Nahanap na ngayon ng mga tauhan ng Beast King ang lab kung saan sila nakatakas.” “Nahanap pero wala naman silang nakita? Wala na ang mga tao doon at wala na rin ang mga young shifters. Baka ang alam ng mga taong yon eh mahihina na tayo at hindi na alam na lumaban. Sa tagal ba nating namuhay ng nakatago lang!” galit na si ng leader ng Amphibia Clan. “At ang solusyon na gusto niyo ay giyera agad?” nakataas kilay na sabi ni Mama Sha. “Sa tingin mo ba papayagan ko ito? Maraming kabataan ang umaasa sa akin at alam kong pati rin sa clan mo ay ganun din. Ginagawa naman ng Beast King ang lahat, isang organisasyon ng mga tao ang kalaban natin at hindi lahat ng humans ay dapat isali natin.” “Hindi lang shifters ang dinudukot, they are secretly contracting humans, ang may malalang sakit, ang malapit ng mamatay and most of them are from the military.” sabi ni Lorkhan at natigilan silang lahat. “Katulong na natin ang mga humans na hanapin sila, war is not possible dahil mismong sila ay biktima rin.” “Mga clan leaders, hindi dapat natin iniisip ang giyera lalo na ngayon na advance ang teknolohiya. May mga matataas na kalibre na sandata ngayon ang hawak ng mga humans na pwede nating ikamatay. Hindi din ako pabor sa giyera. Ang kailangan nating gawin ay magtulungan, hanapin ang tunay na kalaban at iligtas ang mga young shifters at pati na rin ang humans na kinuha nila.” sabi ng Aves clan. Tumango lang naman ang iba. Wala ng nagawa pa ang oposisyon at pinag-usapan namin kung ano ang mga hakbang namin na gagawin. Para akong nakalaya sa isang prison ng matapos na ang meeting at makalabas sa meeting room na yon. Nandito kami sa Fierce Tower pero mabilis akong nagpaalam kay Lorkhan at umalis na ako doon. Habang nasa daan papunta sa penthouse, my nadaanan akong pastry shop kaya bumili muna ako ng masasarap nilang pastries lalo na ng cookies at kanilang masarap na donuts. Pagpasok ko pa lang sa building, alam kong may problema na. Mula sa elevator, nakita ko ang dalawang coyote shifter na naghahalikan, nakahubad at pawisan ang kanilang katawan. They smell of s*x at alam ko na ang ginawa nila. “What happened?” tanong ko sa isa sa mga tauhan namin na nakabantay dito sa building. “I just found them there... “ sagot niya pero kinakabahan. “Sorry Alpha pero nagmamadali pong lumabas si Miss Emlove hindi na namin siya nahabol at nahanap pa. Lumabas siya mula sa elevator na yan at mukhang kasama ang dalawa.” Tinitigan ko ang dalawa ng mabuti at may nakita akong pink na alikabok na nakakalat sa kanilang katawan. Tinitigan ko rin ang kanilang mga mukha at natigilan ako ng makilala kung sino sila. “Nandito si Sabira?” tumango siya. “As your Alpha, call the others, tawagan mo rin si Orson. Hanapin niyo ang future queen!” utos ko. Nag-bow siya at kumilos na. Inutos ko sa iba na tanggalin ang dalawa sa elevator. Ginamit ko ang isa papunta sa penthouse. Agad kong binuksan ang pinto ng makarating ako doon at nadatnan ko ang nakatatandang kapatid ni Lorkhan, si Sabira Fierce. Nakaupo siya sa sofa, tumatawa habang nanonood siya ng comedy show kaharap ang TV. Napatingin ako kay Mrs. Llanez na palapit sa akin at may mga pasa siya sa braso at mukha. Napa-growl ako at lumingon sa amin ang masamang babae, the woman that I despised the most! “Oh Jariah! Mabuti naman at nandito ka.” tuwa niyang sabi. Tumayo siya, lumapit sa akin at akma akong hahalikan pero umiwas ako at lumayo sa kanya. “Anong ginagawa mo dito?” matigas kong sabi sa kanya. “Bawal ba na dalawin ko ang aking kapatid?” sarcastic niyang sabi at napakuyom ako ng palad. “Anong ginawa mo kay Emlove?” napaisip siya tapos ay ngumisi. “Yon ba ang pangalan ng malanding pink haired na girl? Pinalayas ko siya, my men took care of her. Sinabi ba namang mate siya ni Lorkhan?! Ang kapal!” “Your men is having s*x at the lobby b***h! Huwag mong hayaan na maabutan ka pa ni Lorkhan dito.” niyaya ko si Mrs. Llanez na umalis na at tumango lang siya tapos ay sumama na sa akin. Sinabi niya ang lahat ng nangyari sa penthouse habang nasa elevator kami at napuno ng galit ang aking katawan. Pagkarating namin sa lobby, sinalubong kami ni Orson kasama ang kanyang ama at nagdilim ang kanilang mukha nang makita si Mrs. Llanez. Sumama sa akin si Orson para hanapin si Emlove, naaamoy namin ang faint niyang scent hanggang sa natapos ito sa may corner na may kalayuan sa building. Napasuntok ako sa pader sa frustration at wala na akong choice kundi sabihin ito kay Lorkhan. Siya lang ang makakahanap sa kanyang mate. Hindi pa ako nag-alala ng ganito sa tanang buhay ko. Hindi ko mate si Pinky pero tinuring ko na siyang nakababatang kapatid. She’s cute, at hindi siya sumusuko kahit pinapahirapan ko pa siya sa training namin. Walanghiyang Sabira na yon! Lagot na ang lahat kapag sinabi ko ito kay Lorkhan. Wala pa naman ibang mapupuntahan si Pinky. “Lorkhan!” tawag ko sa kanya nang pumasok ako sa kanyang office, nagulat sina Mama Sha at ang apo nito na nandoon. “Lorkhan!” lumapit ako sa kanya at nagtataka siyang tumingin sa akin. “Ano na namang ginawa ni Emlove? Did she do a google search again at kinukulit ka?” sabi niya sa akin at napailing ako. “Your sister…” sabi ko at bigla siyang nanigas at nag-glow ang kanyang mga mata. “Pinalayas niya si Emlove at nawawala siya.” sabi ko. Bago ko pa siya magwala, hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang braso at tinitigan siyang mabuti. “Find her first, mamaya ka na magwala.” seryoso kong sabi. Pinalis niya ang aking kamay at huminga siya ng malalim ng ilang beses. Sinundan namin siya ng lumabas siya, mula sa elevator hanggang sa paglabas namin ng Fierce Tower. Sinabi ko sa kanya ang mga nangyari at maaaring lumipad siya nang mawala ang kanyang scent. Pumikit siya sandali, inamoy-amoy niya ang paligid hanggang sa natigilan siya. Bumalik siya ulit sa loob ng building at nagtungo kami sa rooftop. Malakas niyang sinipa ang pinto non na lumipad palayo. “LORKY!” rinig namin sa boses ni Emlove at parang nabunutan ako ng tinik pero ng makita namin siya, sobra akong nanlumo. Patakbo siyang lumapit tapos ay niyakap niya si Lorkhan. “Sabi ko na nga ba mahahanap mo ko…” sambit niya. Niyakap naman siya ng aking kaibigan. Napansin ko na lang na lumamya ang hawak sa kanya ni Emlove at isang malakas at nakakatakot na roar ang narinig at nasaksihan namin mula kay Lorkhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD