Willowe’s POV Nagising ako sa isang napakagandang panaginip na parang hinehele ako ulit sa pagkakatulog pero napigilan ko ang aking sarili. Hindi ko alam kung anong nangyari pero nang makaharap ko ang aking mate, may nilabas siyang kung ano na aura na nagpahilo sa akin at pagkawala ng aking malay. Pero dahil siguro sa aking magic na taglay, hindi tumagal ang epekto non at nagising na lang ako na nasa loob na ako ng isang limousine. Bumalikwas ako at napalayo sa lalake na aking katabi kung saan nakasandig ang aking ulo sa kanyang balikat. Kaharap niya ang kanyang phone at mukhang may katatapos lang na tawag. Tumingin siya sa akin na walang expression sa kanyang mukha tapos ay tumingin siya sa labas ng sinasakyan namin. Tumingin ako sa loob ng sasakyan at kami lang ang nandoon, wala ang aki

