CUPID 36

1590 Words
Seven’s POV Ngumiti ako at binati si Dr. Holl ng nakasalubong namin siya sa hallway ng hospital ng pabalik na kami ni Jariah mula sa labas. Hiniling ko kasi yon para makalanghap naman ako ng sariwang hangin sa mini garden ng hospital. Mas masarap siguro kong naglalakad ako kaya lang mahina pa ang aking mga binti. Gusto ko na din sanang lumabas ng ospital dahil sa gloomy ambiance niya sa loob kaya pala karamihan sa mga tao ay ayaw dito. Bukod pa doon, parang ang konti lang ng pasyente at malimit lang na dumating ang emergency. Tinanong ko si Jariah about dito at sabi niya mahal daw ang bayarin dito, para lang talaga sa VIP. Kaya nga sabi ko umalis na lang kami at baka sa dalawang araw kung pag-stay rito, milyon na ang babayaran. Saan naman ako kukuha ng pera? Kakagising ko lang kahapon tapos si Emlove naman, iniwan ako kasama ang hunk na toh na nakikita ko lang sa mga model photoshoots o sa magazine. Siya yong tipo na paglalawayan ng mga babae at iniimagine sa tuwing nag sasarili sila. Nagkaroon lang ng mukhang greek god na boyfriend, iniwan na ko! Tsaka ang hindi ko maintindihan bakit ang gwapong lalake na toh ang nagbabantay sa akin. Kakakilala lamg namin kahapon tsaka imposible naman yung sinabi ni Emlove kahapon na magiging boyfriend ko siya. Heler? Hindi ako uto-uto para paniwalaan yon. Sino ba kasi sila? At ano ang part nila sa naging buhay ng aking malanding bestfriend dito sa human realm. Bakit ang bilis niyang magka-relationship sa lalakeng pinapangarap lang niya noon. Ang landi talaga, bumigay kaagad! Sabagay, sino bang hindi diba? Ako din bibigay pero hindi sa Lorkhan Fierce na yon kundi kay Jariah Stealth na alagang-alaga ako mula nang magising ako. Pumasok ako sa private room kung saan ako nag-stay at inalalayan niya akong mahiga sa kama. Medyo may nararamdaman akong spark sa mga hawak niya na nagpapanginig sa aking kabuuan. Yon pa nga ang pinagtataka ko, bakit ganon? Ang lakas ng effect sa akin ng taong toh, pati nga amoy niya at tingin para akong natutunaw sa kilig. Ganito ba dahil may physical form na ko? Ang dami kong tanong at sana dalawin ako ni Emlove para masagot niya ako. “Ayos ka lang babe?” tanong niya sakin at kinumutan niya ako. Tumitig lang naman ako sa kanya at pagtingin niya sa akin, kumislap ang kanyang nakakamanghang green eyes. Saan ba nagtatago ang mga humans na kasing gwapo niya at ngayon ko lang siya nakita. Ang swerte naman ni Emlove at ditong lugar siya na-assign. “Kahapon mo pa ako tinatawag na babe, kahapon lang tayo nagkakilala eh.” sabi ko sa kanya. Nawala ang ngiti niya sa kanyang mukha at medyo na-guilty ako sa sinabi ko. Hinawakan niya ang aking kamay at napasinghap ako sa sparks na naramdaman ko. Ganito ba ang mga humans pag hinahawakan sila ng partner na nakalaan para sa kanila? “Anong gusto mong itawag ko sayo? Sorry kung pinangunahan kita Sven, it’s just that hindi ko lang mapigilan. Masaya ako at gising ka na, mas lalo akong masaya dahil natagpuan na kita. Matagal na kitang hinintay, alam mo ba yon?” napailing ako. “Anong ibig mong sabihin?” naguguluhan kong sabi. “Your a cupid, alam mo ang ibig kong sabihin.” seryoso niyang sabi at pinisil niya ang kamay ko. “We are a match okay?” sabay pisil niya rin sa aking chin. “A match? Paano naman nangyari yon? I am a cupid at ako ang nagma-match ng tao, wala akong ka-match okay?” “Then why does Pinky have a match then? Sa simula pa lang, compatible na sila ni Lorkhan. You have a physical form now kaya may ka-match ka na at ako yon. Sa tingin mo ba papayagan kita na maghanap ng iba.” tumawa ako sa nakanguso niyang mukha. “Bakit naman ako maghahanap ng iba kung andyan ka na sa harap ko? Pero totoo ba? Hindi mo ko pinagti-tripan?” ngumiti siya at hinawakan niya ang pisngi ko. Nanginig ako ng konti sa kiliti na dulot nito. “I am serious, you're the one for me Sven. Hindi kita niloloko at ilang beses na kong nag-promise kay Pinky na hindi ko gagawin yon sayo.” sincere niyang sabi at napangiti na rin ako. “Alam mo naman siguro na lalake ako diba?” “Of course I do! And I like you just the way you are kahit lalake ka pa. Teka, mas preferred mo ba ang babae?” napangiwi ako at tumawa siya. “I’m gay… Gusto ko ang babae bilang kaibigan lang. Maybe I’m a gay too in my past life. You know Jariah, as much as I want a relationship with you, you're attractive, you're taking care of me but you forgot that I am a cupid. Hindi dapat kami nag-eexist dito sa mundo niyo, maaaring bumalik ang veil at magiging invisible ulit kami ni Emlove. Walang forever para sa katulad namin.” “Then we’ll make one. Tayo ang magpapatunay na may forever nga sa isang relasyon. Gagawa din ako ng paraan para hindi ka bumalik sa veil, that you will always stay with me.” napailing ako. Parang ang hirap ng paniwalaan ang lahat ng kanyang sinasabi. He’s a very attractive guy and he can get any woman or man that he wants pero bakit siya nandito at pinagpipilitan na ako ang para sa kanya? Wala naman akong nararamdaman na masama sa kanya, ang gaan nga ng loob ko sa kanya at aaminin ko na sobrang saya ng puso ko kahit sandali pa lang kami na magkasama. Tulad ni Emlove, naiinggit din ako sa mga humans pag natatagpuan nila ang kanilang right partner lalo na sa l***q community. Na kahit same s*x sila, mahal na mahal pa rin nila ang isat-isa at gusto ko yon. At pagkagising ko sa isang napakagaan na pagkakatulog, hinain sa harap ko ang lalakeng toh that will find a way para magkasama kami forever. Parang ang swerte ko diba? Eh naging pasaway din akong cupid. “Babe, please give us a chance… I will make you happy, I will take care of you and I will love you with all of me.” gulat akong napatingin sa kanya. “Love?” di-makaniwala kong sabi. “Yes love… Mahal na kita noong una pa lang kitang makita.” “ I don’t believe in love at first sight…” sambit ko. “Well, you should.” at dinala niya ang aking kamay sa kanyang bibig at dinampian niya ito ng isang halik. “Wala ka bang nararamdaman kahit katiting lang para sa akin?” hindi agad ako sumagot at malalim siyang bumuntong-hininga. “Okay, I-I’ll back off now.” lungkot niyang sabi at binitawan niya ang aking kamay. rang nawala ang armth na nararamdaman ko ng hindi na niya hawak ang aking kamay. Bago pa siya makalayo, ako na ang humawak sa kanyang kamay at malakas itong pinisil. Nagulat naman siya at matamis akong ngumiti sa kanya. “Sorry for hurting your feelings b-babe… Hindi lang kasi ako makapaniwala sa nangyayari. Parang ang bilis but I do have feelings for you.” “Really?” tanong niya at tumango ako. Bumalik ang ngiti niya sa kanyang labi at nanigas ako ng bigla niya akong halikan. Nong una,wala akong reaction pero maya-maya sumabay na din ang galaw ng aking bibig sa kanya. Napapikit ako at ninamnam ang sarap ng kanyang halik, parang sinilaban ng apoy ang aking katawan lalo ng ng ipinasok niya ang kanyang dila sa aking nakabukang bibig. Impit akong napaungol nang mag-espadahan kami ng dila at ng maghiwalay kami, nagkatitigan kami. “It will be so hard resisting you babe.” at pinahiran niya ng kanyang thumb ang nakikiliti kong mga labi. “You don’t have to resist me Jariah, pag nakarecover na ko, humanda ka sakin. Babaliwin kita para hindi ka maghanap ng iba pa.” malakas siyang tumawa at hinalikan niya ulit ako. “Hindi na ko makapaghintay Seven…” garalgal niyang sabi at pinigilan ko ang sarili ko na huwag tigasan dahil siguradong mapapansin niya. Napatingin kami sa pinto ng may malakas na kumatok doon. Bumukas ito at agad na pumasok si Emlove na may dalang basket of fruits at eco bag, samantalang si Lorkhan ay may dalang malaking bag. “Goodmorning Seven!” masaya nitong bati sa akin at nilagay ang basket sa table na naroon. “Kumain ka na ba? Dinalhan kita ng pagkain tsaka kumuha na rin kami ng mga damit mo. I hope right size ang mga kinuha ko.” sabi niya at lumapit sa akin. Na-concious ako ng tinitigan ako ng aking kaibigan. “ Bakit namumula ang mukha mo?” sabay dampi ng kanyang kamay sa aking noo. “May sakit ka ba?” alala niyang sabi. “Okay lang ako beshy… Medyo nainitan lang ako sa pagpunta namin ni Jariah sa mini garden ng ospital.” “Oh okay… gusto mo na bang kumain? Oh ng fruits?” ngumiti naman ako at nagpasalamat sa kanya. Nilabas naman ni Jariah ang mga pagkain na nasa eco bag at pinakita sa akin ni Emlove ang mga damit na binili nila ni Lorkhan. Habang nakatingin ako sa kaibigan ko na masayang-masaya habang kasama niya ang kanyang boyfriend, hindi na ako magdadalawang -isip pa tungkol sa relasyon namin ni Jariah. Ito na ang pagkakataon ko para maranasan na magmahal at mahalin din ng isang lalakeng tulad niya. I just hope I made the right decision.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD