Alliah Dahil nabanggit ko sa magkakaibigan na pupunta kami ni Kyron sa Amusement park ay sumama na rin sila sa amin. Sina Riosh at Froi ang nagpumilit na sumama dahil wala naman raw silang gagawin ngayong Sabado. Naikwento ko rin na may "friendly date" dapat kami ni George pero hindi na ako tumuloy dahil medyo natakot ako sa sinabi ni Kyron lalo na't hindi ko pa naman masyadong kilala iyong tao. Mas lalo yatang na-energize ang magkakaibigan sa sinabi ko. Mabuti raw na hindi kaagad ako nagtitiwala o sumasama sa taong hindi ko lubusang kilala. Exemption daw si Iall dahil bihira na lang ang mga lalakeng katulad niya na mapagkakatiwalaan at swerte ako na siya ang nakilala ko sa cafe shop. Nandito na kami sa loob ng Amusement park. Nilibre ako ni Kyron samantalang kanya-kanya namang bayad si

