Alliah "Ayos ka lang ba, Alliah?" Nawala lang ako mula sa pagkakatulala ko sa pagkain nang magsalita si George. "A-Ayos lang ako." sagot ko at ituloy ang pagkain ko. Lunch break namin at katulad ng dati ay nakabuntot na naman siya sa akin. "Hmm... 'yong lalakeng kulot na mahaba ang buhok at mukhang foreigner, member 'yon ng sumisikat na banda, 'di ba?" Natigilan ako. "Paano mo siya nakilala?" Sumandal si George sa kitchen counter at humalukipkip. "May napanood akong video nila sa f*******:. Namukhaan ko siya at naalala kong siya 'yong lalakeng sumundo sa'yo last week dito sa restaurant. Paano mo siya nakilala? Childhood friend mo? Schoolmate?" nang-uusisa niyang tanong. Napapikit ako at pinigilang huwag siyang masabunutan. Dahil sa alitan nila Sergio, Froi, at Kyron ay dalawang ar

