Dani Nakaupo kaming tatlo ngayon sa hapag-kainan at sabay sabay kaming kumakain para sa aming umagahan. "Ikaw si Dani, right?" Biglang humarap sa akin si Daniella at tinanong ako nito. Tumango ako sa kanya bilang aking sagot at pormal akong ngumiti rito. Nakita kong sumilay rin ang ngiti sa kanyang labi ngunit mabilis lamang iyon dahil muli itong humarap kay kuya Daimonn. Muli kong sinimulan ang aking kinakain at sa totoo lang ay parang wala akong gana ngayon dahil siguro sa pagsulpot nitong Daniella na ito sa bahay. Dani! You are so bad huh?! "You know what Daimonn nung nagkasama tayo nung nakaraan sobrang happy ako no'n lalo na doon sa surprise na ginawa mo!" Rinig kong saad ni Daniella at ngiting ngiti pa talaga itong babaeng 'to. Unti unti ko namang tinignan si kuya kung ano

