Dani "Good morning self!" Masayang bati ko sa aking sarili at inunat ko ang aking mga kamay. Sa totoo lang ay pangkaraniwang araw lang naman ang mayroon ngayon. Hindi nga ko alam kung bakit ko naisipang batiin ang sarili ko ng 'good morning' e. Hindi muna ako tumayo sa aking hinihigaan at pinalipas ko muna ang ilang minuto. Nang sipagin na akong iangat ang katawan ko at magising na ang buong pagkatao ko ay doon pa lamang ako tumayo. Agad akong nagtungo sa banyo upang maghilamos at magsipilyo. At nang matapos ko ang mga ritwal ko ay sinunod kong pinuntahan ang malapit na tokador kung saan naroroon ang salamin at iba pang mga gamit para makapag-ayos ng aking mukha. Habang abala ako sa kakasuklay ng aking mumunting buhok ay bigla na lamang may kumatok ng tatlong beses. Hindi ko alam pero

