Dani "Saan ba talaga pupunta si kuya?" nangungulit na tanong ko rito sa kaharap kong si Rence at sa totoo lang ay ilang beses ko na siyang pinapaamin kung nasaan nga ba si kuya Daimonn. Nagkibit-balikat lamang siya at matapos ay bumalik lamang ito sa kanyang ginagawa. Sa tingin ko ay naglalaro ito ngayon ng isang sikat na mobile games dito sa pilipinas. Okay sige na at suko na ako sa kakatanong ko rito kay Rence! Ang sabi naman ni kuya Daimonn ay babalik naman siya kaagad kaya panghahawakan ko yung mga salitang binitawan niya. Pero wait nga lang.. Nasa'n pala yung Daniella? Jusko! huwag mong sabihing.. kasama niya si kuya Daimonn?! "No!" 'di ko napigilang saad sa aking sarili ng bigla kong maisip si kuya Daimonn na kasama yung babae niya na si Daniella. Napatigil sa paglalaro yung

