Dani "Anak." rinig kong sabi ni mommy dahilan para mapalingon ako. "Hi mom!" nakangiting bati ko rito at humalik sa kanyang pisngi. "Parang busy ka yata anak ha?" Sabi nito ng makita ang nakakalat na mga libro at papel sa ibabaw ng kama ko. Natawa naman ako dahil sinabi nito. "Kaya nga po mommy e! hindi ko po alam sa mga professors natin kung bakit ang sisipag nilang magpagawa ng mga homeworks kung kailan first day na first day!" Natatawang pabirong pagrereklamo ko rito. "Hay nako, 'nak! don't worry at pagsasabihan ko ang mga professors na yan." Sa sinabi ni Mom ay nagtawanan kaming dalawa. "Bakit po pala kayo umakyat pa rito sa kwarto ko, mommy?" tanong ko sa aking ina. "Kakain na kasi tayo anak kaya umakyat ako rito sa kwarto mo para sana tawagin kita. Nandoon na kasi sa ibaba an

