Dani Dahan-dahan kong iminulat ang aking dalawang mata at unti-unti kong itinayo ang aking sarili galing sa pagkahiga. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang kirot sa aking sentido dala ng kaganapan kagabi. Kagabi? Anong mayroon kagabi? "Gising ka na pala, Dani." Mabilis akong napalingon sa isang sofa kung saan nakaupo si kuya Daimonn at ngumiti ito sa akin. "Kuya?" naguguluhan kong ani sa kanya. "Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?" Dagdag ko pang wika rito dahil nakakapagtaka na nandito siya ngayon sa aking silid at nakahubad ito kaya kitang-kita ang ganda ng kanyang pangangatawan. "Kwarto mo?" aniya at nakita ko itong umiling-iling sabay ngumisi ito sa akin. "Are you sure na this is your room, Dani?" Saad pa niya sa akin at ngumiti pa ito ng nakakaloko dahilan para mapaisip naman

