Dani "Daddy?" naghumarintado ang dibdib ko ng makita namin ni Daimonn ang aming ama na seryosong nakatingin sa aming dalawa. Bumaba ang tingin nito sa magkahawak naming mga kamay ni Daimonn dahilan para agad akong mapabitaw sa kamay ng aking kuya o mas maiging sabihin na kasintahan ko ngayon. Lakas-loob akong lumapit sa harap ng aming ama at kahit napakabilis ng t***k ng puso ko ngayon nang dahil sa magkahalong nerbyos at kaba ay hindi ko ito pinansin dahil gusto kong ipaliwanag ang mayroon sa aming dalawa ni Daimonn. "Dad.. magpapaliwa---" Hindi ko natapos ang aking sinasabi ng patigilin ako ng aking ama gamit ang kanyang palad at malakas ako nitong sinampal. "Eduardo!" rinig kong saad ng aming ina kay Daddy na may tonong pag-aalala. Napahawak ako sa aking sariling pisngi na kung s

