Dani "Dani hijo." ani ni manang Elsa sa akin ng mabuksan niya ang pinto ng aking kwarto. magalang kong nginitian ang matanda at nagtanong. "Bakit po, manang?" "Ah hijo, pinapasabi lang ng kuya Daimonn mo na nasa garahe na siya at nasa loob na ng sasakyan, at hinihintay ka na niya." saad ni manang Elsa sa akin. Tumango ako sa matanda at nagsalita. "Sige ho manang Elsa, susunod na po ako sa baba at pupuntahan ko na po si kuya Daimonn sa sasakyan." nang matapos ko itong sabihin ay bumaba na si manang Elsa. Ako naman ay mabilis kong kinuha ang bag at bumaba na rin upang magtungo sa garahe kung saan naghihintay si kuya Daimonn. "Good morning kuya!" nakangiti kong bati sa kanya dahil alam kong maiinis na naman ito dahil nga sa napakakupad at bagal kong kumilos. Dani naman, please next tim

