Dani "Hoy Dani!" nagulat ako ng may sumigaw at gumulat sa likuran ko. Napahawak ako sa aking dibdib at naghabol ng hininga dahil sa kagagawan nitong kaibigan ko na si Marjori. "Gulat ka 'no?!" natatawang sabi nito sa akin at agad ko naman itong inismiran. "Ewan ko sayo, Marj! Alam mo bang sobra akong nagulat dahil sa ginawa mo! Akala ko aatakihin na ako sa puso!" naiinis kong sabi rito. "Ay? napaka-O.A naman nung aatakihin sa puso, bakla!" saad niya sa akin at umupo sa tabi ko. Mabilis ko siyang hinampas sa kanyang balikat na siyang ikinagulat naman niya. "Aray Dani! Bakit mo ako hinampas?!" pag-angal niya sa akin na siyang nginisihin ko lamang. "Bagay 'yan sayong bakla ka! At saka maka-aray ka naman? Ang hina-hina nga lang 'nung paghampas ko sayo 'no! Don't worry sa susunod i-le-lev

