Dani "It's now or never, Dani!" Bulong ko sa aking sarili habang nakaharap ako sa salamin. Pinakatitigan ko pa lalo ang aking sarili ng matapos akong mag ayos ng aking mukha. Sinimplehan ko lamang ang aking ayos dahil ayaw ko naman maging payaso sa sobrang dami ng kolorete na inilalagay sa mukha. Kaya mo 'to Dani! Aaminin mo lang naman yung totoong nararamdaman mo para sa kanya eh! Walang anu ano'y lumabas ako ng aking silid at saka bumaba ng hagdan at hinanap si kuya Daimonn. Sa aking paghahanap kay kuya ay nakita ko bigla si April dahilan para tanungin ko siya. "April, nakita mo ba si kuya?" Nakita kong ngumiti ito at saka ako tinanguan. "Opo sir Dani.. nando'n po siya sa mini bar kasama po ang mga kaibigan niya at.. " Napatigil ito sa pagsasalita dahilan para tignan ko siya ng may

