Dani Nang makarating kami sa aming tinutuluyan ay agad akong umakyat ng aking silid at nagpagulung gulong ako sa aking kama. Jusko! Hindi mawala wala sa isipan ko ang mga sinabi ni Daimonn. Sa totoo lang ay para sa akin hetong gabi na ito ang isa sa pinaka-memorable at hinding hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. "Paano pa ako hihiling kung ibinigay ka naman na niya sa akin?! Ang tanging hiling ko lang naman ay makasama at mahalin mo ako. Ikaw lang naman, Dani. Ikaw lang at wala ng iba. Ang gusto ko lamang ay maging sayo ako at maging akin ka, mahal ko." Awtomatiko akong napangiti ng magbalik na naman sa akin ang tagpong iyon. Ang totoo n'yan ay kanina pa pabalik balik sa aking tainga ang kaninang mga sinabi sa akin ni Daimonn. Paulit ulit itong nagrerehistro sa aking isipan at pa

